top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Atleta, hindi puwedeng lumahok sa kompetisyon, kapag walang bakuna

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 18, 2020
  • 2 min read

ni MC - @Sports | December 18, 2020





Bakuna muna bago paglahok sa mga kompetisyon ang maaaring maging estado ng kautusang ilalabas ng Philippine Sports Commission sa lahat ng mga atleta lalo na sa mga elite athletes sakaling dumating ang pagkakataon na may available nang COVID-19 vaccine sa Pilipinas sa darating na Hunyo 2021.


Sa kanyang pagsasalita sa Tabloids Organization in Philippine Sports On Air kahapon via Zoom, sinabi ni Philippine Sports Commission Chairman William 'Butch' Ramirez na bukod sa mandatory ang covid vaccine ay hindi rin papayagan ang mga atleta na bumiyahe palabas ng bansa o magtungo sa ibang lugar kung hindi sila nababakunahan. "Of course, susundin natin ang protocol ng DOH-IATF protocol pagdating sa vaccination. I recommend pa nga na you will not be allowed to participate kung wala kang vaccine," aniya.

Sa panig naman aniya ng mga atleta, mayorya sa mga ito ay walang pagtutol sa guidelines ng PSC kung sila ang pinaplanong unahin na maturukan ng COVID-19 vaccine. "So far, positive naman ang feedback ng mga bata, gusto nila ang vaccine, as long as iyong IATF protocol ang aming susundin. Next namin ang mga official na maturukan. Kung tutuusin tayo namang lahat ay nagpapa-ospital, nagpapa-check up, bakit pa tayo matatakot kung nakasanayan na natin ang pabalik-balik sa doktor. E, itong vaccine pangontra na kaya wala nang dapat ikatakot kung sakali," dagdag ni Ramirez.


Samantala, inaasahan naman ni Ramirez na may malaking tsansa sina Olympic bound weightlifter Hidilyn Diaz, pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Yulo, boxers Eumir Marcial at Irish Magno na magkakaroon ng ekselenteng performance sa Tokyo Olympics sa 2021. "They have the big potential to get the gold medals. For me, I was trying to be an expert to tell this. Kasi the way we spend money to Olympics, I only tell them do their best. Isa pang bagay na nakakatulong for funding sa kanila ay itong ating mga politicians. Huwag sabihin na hindi puwede ang pulitiko sa sports. Pero sila ang may malaking naitutulong sa ating mga atleta para maipush-through ang funding. Tulad ng Senate at Congress, kaya nga todo-suporta sila sa mga international athletes natin dahil may representation ang Pilipinas. Itong mga atleta natin ang vital component of our society. Look at the other countries, pinalalakas nila ang sports, kaya naman pati militar nila malalakas din dahil may mga background sa sports."


Personal na ring iniabot ng PSC ang full allowance ng mga atleta sa kani-kanilang bank account. "Idinidiretso na namin sa kanilang mga bulsa ang pera at baka sabihin na naman doon ng alalay nila na sila ang gumastos sa atleta at hindi ang gobyerno," pagtatapos niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page