Atat na atat nang mabuntis ang anak… SHARON, MAY MGA HINAHANAP SA MAPAPANGASAWA NI KC
- BULGAR
- Mar 26, 2021
- 2 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | March 26, 2021

Sa bago niyang panayam, aminado ang Megastar na si Sharon Cuneta na inip na inip na siyang mabigyan ng apo ng kanyang panganay na si KC Concepcion. Kahit daw sa pamamagitan ng surrogacy magkaanak lang si KC ay tanggap niya.
"Inip na inip na nga ako! Kahit magpa-surrogate na lang si Kayce, masaya na ako basta eggs n'ya!" sey ng Megastar sa anak na magti-36 yrs. old na ngayong darating na Abril.
“I’ve been ready for a long time. She's the one that's not, because I like babies. I can’t wait! I had a baby early. It has its pluses and minuses. But one of the pluses is getting to grow up with your kid.
“I was 19 when I had her. Para hindi masyadong malayo 'yung generation gap. And now, I think it's cool to be a lola before you hit 60,” sabi pa ni Sharon.
Sana raw ay mahanap ni KC ang kanyang 'the one', ang tamang lalaki para sa anak.
“Ultimately, you just want your kids to be happy in the right way. Huwag naman sa adik. At saka, sana, papakainin siya. Hindi naman kailangang mayaman na mayaman, pero responsible, 'yung aalagaan lang siya. That’s all you want. You just make sure that they grow up happy."
Nasa tamang edad na raw si KC at alam nito kung ano ang makakabuti para sa kanya.
"She had her share of emotional battles. So, I trust in her experience… But I tell her, ‘Anak, you know what, I just have to trust in the way I raised you because you have to take responsibility for your decisions also.’ Now, I think she has her share of pains, so she would know better,” dagdag pang pahayag ni Sharon.





Comments