top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Atat na atat na, ngayong 2021 na rin… KRIS, PUMIPILI NA NG WEDDING GOWN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 28, 2021
  • 2 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | October 28, 2021





Pinalitan na ni Kris Aquino ang DP o display picture niya sa kanyang Instagram dahil sa halip na solo picture niya lang ang nakalagay, ngayon ay larawan na nila ng fiancé niyang si Mel Senen Sarmiento.


Hindi lang basta magkatabi sa litrato ang engaged couple dahil nakayakap si Kris kay Mel at masaya silang dalawa.


Patuloy ang pagko-congratulate kay Kris sa engagement nila ni Mel and as of Wednesday, may 1,455,389 views and likes na ang video na ina-announce ng dalawa ang kanilang engagement and still counting.


Sa comment ni Kim Chiu na masaya siya for Kris, ang sagot ng TV host, “Maraming similarity sa 'yo, Kimmy, Waray and from Calbayog, pero from elementary until college, sa Cebu nag-aral- and guess what, na-shock ako, pinsan s'ya ni Direk Chito (Roño)! So, kagaya mo na magaling mag-Waray at magaling mag-Cebuano- true blooded Bisaya.”


Ang sagot naman ni Kris sa emoji post ni Angel Locsin ng “Ate” ay three red hearts, at sabi ni Kris, “I love you, kung alam lang nila 'yung pag-dictate mo kagabi sa ate mo na kailangan ko ng wedding planner, may gowns kang ipinadala na sabi mo, bagay sa 'kin, pati flowers, may pegs ka na. As we both said, pareho talaga tayo #action agad.”


Mukhang malapit na ang kasal nina Kris at Mel dahil kailangan na ng wedding planner at pumipili na rin ng wedding gown.


'Aliw naman ang sagot ni Kris sa comment ni Bernadette Sembrano-Aguinaldo na “Happy happy for you. Deeply he reminds me of someone I know.”


Sagot ni Kris, “Thank you, Bernadette! You were the sister-in-law that got away.”


Niligawan kasi noon ni the late President Noynoy Aquino si Bernadette.


Anyway, ang kasunod nating aabangan ay ang announcement nina Kris at Mel ng kanilang wedding day, na ang tsika, this year na before the year ends.


Aminin n’yo, naghihintay tayong lahat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page