ATASHA, APRUB SA FANS BILANG KAPALIT NI KATHRYN KAY DANIEL

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 25, 2024

Marami sa mga fans ni Daniel Padilla ang nagsasabing si Atasha Muhlach ang gusto nilang maging kapalit ni Kathryn Bernardo bilang ka-love team ng kanilang idolo.
Malakas ang karisma sa tao ni Atasha kaya mabilis ang naging pagsikat nito.
At base sa kanyang personalidad, babagay si Atasha kay Daniel.
Ang problema nga lang ay magkaiba sila ng network at management kaya mahirap na pagsamahin.
May ilang netizens naman ang nagpapayo kay Daniel Padilla na 'wag nang kumuha ng ka-love team at mag-solo na lang sa mga projects na gagawin.
May bagong serye si Daniel kung saan makakasama niya ang ilang sikat na action stars.
Mapapaiba na ang dati niyang roles na ginagampanan na karamihan ay rom-com.
At this point of his life, kailangan ni Daniel Padilla ng isang malaking pagbabago upang sumiglang muli ang kanyang career.





Comments