Asar-talo sa P1 bilyong cyber libel case… ENCHONG, 'DI BINUBURA ANG COMMENT NG MGA BASHERS
ni Nitz Miralles - @Bida | November 13, 2021

Pinasok na ng mga haters ang Instagram account ni Enchong Dee at natutuwa pa sila na sinampahan ng cyber libel ang aktor.
Kahit naka-set sa “comments on this post have been limited” ang IG nito, may mga haters pa rin na nakakapag-comment.
May nag-comment ng “Cyber libel is waiving good luck sa kulungan,” “Hello cyber libel, tweet nang tweet kahit walang basehan,” “May 1B pesos ka ba?”
May nagsabi naman na “Need mo mag-work nang bongga. P1B babayaran mo,” “Saan na ang friends mo... need mo sila... tawagan mo na.”
In fairness, hindi dine-delete ni Enchong ang hate comments at bashers, kaya malayang nababasa. May nagpayo kay Enchong na i-off niya ang comment section ng IG niya na hindi pa niya nagagawa.
Lahat nakaabang sa kasong ito dahil pinakamalaki ang damage na hinihingi. Umaasa ang mga friends ni Enchong na maaayos at malalampasan niya ito lalo na at magpa-Pasko.





Comments