ARRON, INAMIN ANG DAHILAN NG HIWALAYAN NILA NI JANE
- BULGAR
- Nov 1, 2023
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | November 1, 2023

Matagal nang break sina Arron Villaflor at Jane de Leon pero natatanong pa rin sa aktor ang kanilang naging relasyon.
Sa mediacon ng Vivamax film niyang Tuhog last Sunday, isa na naman ito sa mga naitanong kay Arron at game naman niyang sinagot ito since kitang-kita rin naman sa kanya na naka-move on na.
Natawa nga ang aktor nang biruin siyang baka ang pagpapa-sexy niya sa Vivamax ang dahilan ng kanilang breakup ni Jane.
“Hindi po, personal reasons,” aniya.
Besides, matagal na raw silang break ni Jane.
“Matagal na po ‘yun, 2016-2017,” sey ng aktor.
When asked kung nagkita na ba sila ulit ngayon, ayon kay Arron ay hindi pa simula nang mag-break sila.
“Hindi pa po since the last time we broke up, hindi pa po. And I guess, parang okay na rin sa ganu’n. If I see her, I’ll casually greet her. Pero not to the point na we will share stories or personal stuff. Mas okay na po siguro na ganu’n na lang para tahimik ‘yung mga bagay-bagay,” aniya.
Of course ay nakikita niya naman ang nangyayari sa career ni Jane ngayon at happy daw siya sa success ng ex-girlfriend na as we all know ay gumanap ng iconic role na Darna sa Darna TV series.
“Happy ako sa kanya. Hopefully, mag-succeed pa siya sa kanyang craft dito sa industriya natin,” ani Arron.
Samantala, inamin naman ng aktor na hindi naging madali para sa kanya ang magdesisyon na gumawa ng sexy roles at magpakita ng katawan. It started during pandemic na nawalan siya ng trabaho sa ABS-CBN.
Nang i-offer daw sa kanya ng Viva ang Huwag Mong Agawin ang Akin for Vivamax at sinabi ngang daring ang role, pinag-isipan daw niya talaga ito kung tatanggapin.
Pero in the end ay nagdesisyon daw siya to go for it, tutal naman daw ay hindi na rin siya bata and panahon na rin siguro na subukan ang ibang image.
After that ay nagsunud-sunod na ang proyekto niya for Vivamax at malaki ang pasasalamat niya sa Viva family niya na siyang sumalo sa kanya sa panahong kailangan niya ng tulong.
Dito sa latest film niyang Tuhog mula sa direksiyon ni GB Sampedro ay marami na namang maiinit na eksena si Arron sa leading lady niyang si Apple Dy. Kasama rin sa movie sina Joko Diaz, Carlene Aguilar, Nino Bautista, Billy Villeta at marami pang iba.





Comments