top of page

Arnell Ignacio, sa tagal dumipensa, wa’ na halos maniwala!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 25, 2025
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 25, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

DAPAT ISAPUBLIKO ANG 2026 BICAM BUDGET HEARING PARA WALANG SEN. AT CONG. NA MAKAPAGSINGIT NG PORK BARREL -- Ubod nang laki ang nais ng Malacanang na P10 trillion-P11 trillion national budget para sa year 2026.

Para sa kaalaman ng publiko, sa closed door bicam budget hearing ay diyan nangyayari ang “singitan” ng pork barrel ng mga kongresista at senador.


Kung iyang P10T-P11T national budget sa year 2026 ay paninindigan na talaga ng Malacanang, dapat hilingin ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa Kongreso na ang isasagawa nilang bicam budget hearing ay i-open sa publiko para matiyak na walang sen. at cong. na makapagsisingit ng pork barrel, period!


XXX


HALOS WALA NANG MANIWALA SA PALUSOT NI ARNELL IGNACIO DAHIL ANG TAGAL BAGO NIYA IDINEPENSA ANG SARILI SA OWWA ANOMALY -- Makalipas ang halos isang linggo matapos na siya ay sibakin bilang administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) dahil sa kinasasangkutan niyang P1.4 billion anomaly sa kanyang tanggapan, saka lang humarap si former OWWA Administrator Arnell Ignacio para itanggi na sangkot siya sa katiwalian umano rito.


Dahil sa tagal bago niya idinepensa ang kanyang sarili ay halos wala nang maniwala sa mga alibi, na ayon nga sa mga netizens “palusot” na lang ni Ignacio ang mga pinagsasabi niya sa kanyang presscon, boom!


XXX


DAPAT MAGING ANG MGA DISTRICT COLLECTOR NG CUSTOMS MAGSUMITE RIN NG COURTESY RESIGNATION -- Nagsumite na rin si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Rubio ng courtesy resignation kay Pres. Bongbong Marcos (PBBM) para malayang makapamili ang Presidente ng nais niyang ipuwestong head ng Customs.


Aba teka, bakit si Comm. Rubio lang? Sana, lahat ng district collector ng Customs magsipag-resign na rin, period!


XXX


COMELEC CHAIRMAN GARCIA, PABAGO-BAGO SA P1K HONORARIA NG MGA GURO -- After election, ibinida ni Comelec Chairman George Garcia na ibibigay agad nila ang karagdagang P1,000 honoraria sa lahat ng mga guro na nagsilbing poll workers nitong nakalipas na May 12, 2025 election.


Siyempre tuwang-tuwa ang mga guro, kaya lang sa statement ni Chairman Garcia kamakailan (May 23, 2025), iba na ang kanyang sinasabi, pabago-bago siya sa kanyang pahayag, na iyong una niyang binanggit na maibibigay agad ay nagbago na, dahil aniya, maantala ang pamamahagi ng P1K honoraria sa mga titser, tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page