Arnell Ignacio, malamang himas-rehas sa kabulastugang ginawa sa OWWA
- BULGAR

- May 18, 2025
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 18, 2025

SA DAMI NG MGA SENADOR NA ANTI-IMPEACHMENT, PARANG SURRENDER NA ANG MALACANANG AT SI SPEAKER ROMUALDEZ SA PAGPAPA-IMPEACH KAY VP SARA -- Matapos sabihin ni Presidential Communication Office (PCO) Usec. Claire Castro na hindi si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang nagsusulong ng impeachment kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio, ay halos ganito rin ang litanya ni Speaker Martin Romualdez, na kesyo hindi naman daw target ng Kamara si VP Sara, na kaya lang daw nila isinampa sa Senado para sa impeachment trial sa bise presidente ay dahil tinutupad lang daw nila ang tungkuling iniatang sa kanila base sa nakasaad sa Konstitusyon.
Kung pagbabasehan ang statement ng Malacanang at ni Speaker Romualdez, parang “surrender” na sila sa pagpapa-impeach kay VP Sara kasi sa dami ng mga senador na anti-impeachment ay malabo na nilang mapatalsik bilang bise presidente ng ‘Pinas si VP Sara, period!
XXX
SEN. BONG GO KAYA NAG-TOP SA SENATORIAL ELECTION DAHIL ‘DI SIYA MADRAMA, ‘DI SIYA PABIDA, ‘DI SIYA EPAL, SERBISYO LANG TALAGA! -- Bakit nag-number 1 at breaking the record pa, higit 27 million ang nakuhang boto ni Sen. Bong Go sa nakaraang eleksyon?
Simple lang ang sagot, at alam naman ito ng mga Pinoy na bumoto sa kanya. Ang dahilan ay serbisyo!
Si Sen. Bong Go ay hindi madrama, hindi pabida at hindi epal sa Senado. Nakikita ng taumbayan ang mga hatid niyang serbisyo sa mahihirap, tulad ng Malasakit Center-Free Hospitalization sa mga public hospital, at free laboratory, libreng paanakan sa isinulong din niyang mga Super Health Center na nakakalat na rin sa iba’t ibang lugar sa bansa.
‘Ika nga, ang slogan niyang “Bisyo ay Magserbisyo” ay ramdam talaga ng sambayanang Pinoy, palakpakan naman diyan!
XXX
HARRY ROQUE, SINOPLA NI PANELO -- Sinopla ni former Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang sinabi ni former Presidential Spokesman Harry Roque na biktima siya ng political persecution ng Marcos administration kaya nag-a-apply siya ng political asylum sa The Netherlands. Ayon kay Atty. Panelo, naniniwala siyang hindi politically persecuted si Roque dahil ang kinakaharap niyang kaso ay criminal case na no bail.
Kaya ang payo ni Panelo kay Roque, kung wala talaga itong kinalaman sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ay umuwi siya ng ‘Pinas at harapin dito ang mga isinampang mga criminal cases laban sa kanya. period!
XXX
MAY GINAGAWA PALANG KABULASTUGAN SI ARNEL IGNACIO KAYA TAHIMIK LANG SA OWWA -- Hindi pala nag-resign, kundi sinibak pala ni PBBM si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) dahil sa anomaly patungkol sa P1.4 billion land acquisition deal contract na inaprub nito nang walang pahintulot ang OWWA Board of Trustees.
Kaya naman pala tatahi-tahimik lang si Arnell Ignacio sa kanyang tanggapan sa OWWA, ‘yun pala may ginagawang kabulastugan.
Sa anomalyang ito, P1.4B ay pasok na pasok si Arnell Ignacio sa kasong plunder, kaya’t ihanda na niya ang kanyang sarili kasi kapag napatunayang guilty siya sa kasong ito, pagkabulok sa selda ang kanyang aabutin, abangan!







Comments