top of page
SHEET - ARCHIE, NAKITAAN NI GEE NG 2 SACHETS NG DRUGS SA KOTSE-IG _archiealemania & _ogied

ARCHIE, NAKITAAN NI GEE NG 2 SACHETS NG DRUGS SA KOTSE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 23 hours ago
  • 6 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 31, 2026



SHEET - ARCHIE, NAKITAAN NI GEE NG 2 SACHETS NG DRUGS SA KOTSE-IG _archiealemania & _ogiediaz YT

Photo: IG _archiealemania & _ogiediaz YT



Hinati namin ang pagkakasulat ng panayam ni Gee Canlas sa Ogie Diaz Inspires na lumabas kahapon ang Part 1 dito sa BULGAR dahil kulang na sa espasyo at marami pang revelations ang estranged wife ng aktor na si Archie Alemania, kaya narito ang Part 2.


Tulad nga ng sinabi ni Gee na maraming beses na silang nag-away ni Archie at ilang beses din siyang pinagmumura sa harap ng ibang tao at sinaktan ng pisikal pero hindi pa rin niya ito iniwan dahil gusto niyang ilaban hanggang dulo, pero dahil sa tingin niya ay siya na lang ang lumalaban para sa pamilya ay bumigay na rin siya lalo’t nalaman niya sa ibang tao na sinasabi rin ng asawa na gusto siyang iwan nito once nagkapera na.


Anyway, bago pa dumating ang dalawang buwang hindi nila pag-uusap at nalaman niya ang nangyari kay Rita Daniela ay may nakita si Gee sa sasakyan ni Archie.


Pahayag niya, “I found drugs in his car right where umuupo ako at kumakandong sa akin ‘yung anak ko. There were two sachets, ‘yung isa ubos, ‘yung isa, kalahati (laman), found it. I remembered felt so betrayed kasi ‘yun ‘yung proud ka, ‘yun ‘yung sinasabi mo na you found God, he delivered you from the drugs, he delivered you from this obstacle sa buhay mo, temptation, parang binalikan mo ‘yung suka (vomit) mo? And the worst part is 7 years na kami, so how long has this been happening?


“So I confronted him. Sabi ko, I found this. Sabi n’ya, ‘Hindi kasi, kasama ko lang sa work kasi ganito, kasi ganyan, just having a good time, pampagana lang sa inom.’ Parang sinasabi n’ya na, ‘You should get this, ‘di mo ba naiintindihan?’ At hiniritan ako ng, ‘At least, ‘di coc (cocaine).’ Huh? Du’n na ako nag-snap. ‘Ano’ng sinasabi mo?’”

At dito na hinamon ni Gee na kapag hindi itinigil ni Archie ang bisyo ay iiwanan na niya ito.


“‘This is not normal. If you don’t stop this, I’m leaving you.’ And I’ve never said that in our marriage. S’ya (Archie) ‘yung parating nagsasabi ng ‘Ayoko na, ayoko na.’ Ako, lagi kong sinasabi na I want to fix it, fix it.


“So, we ended up in counselling. Tapos, sabi ko, ‘May itinatago ka pa ba sa akin? Para i-deal na natin ngayon.’ Tapos, du’n lumutang ‘yung unwise business decision na he sank a lot of money to people na very shady businesses. So, we were dealing with that. (Ask ko ulit), ‘Wala na bang iba?’ Again, sabi na naman, ‘Mamatay man ang magulang ko, mamatay man ang ganyan, wala-wala!’ So, ako (sabi n’ya) ay mamatay na raw. O, sige, talagang totoo (na), sabihin mo na lahat?” kuwento ni Gee.


Pero nalaman niya na habang nagka-counselling sila ay hindi sinabi ni Archie na tinanggal na siya sa seryeng Widows’ War (WW) kung saan co-star ng mister si Rita Daniela na nagkaso sa kanya.


“‘Yun ‘yung natanggal na s’ya sa Widows’ War. Bakit? Sabi n’ya, ‘Budget cuts.’ Budget cut, eh, isa ka sa mga characters? Paanong naging budget cut? Artista rin ako, alam ko na ‘di ka basta-basta tsutsugihin unless ‘yung plot ay ini-lead ka ru’n, eh, nandu’n ka pa sa height, eh.

“Tinatanong ko s’ya kung bakit s’ya tinanggal point-blank. He lied to me again, budget cut… so easy (to say), butter of the tongue. Ang bilis-bilis, walang nag-miss ng beat, naniwala pa rin ako. And then, lumabas na ‘yung issue (sexual harassment). It turns out when we were in counselling, he was already talking to people in GMA, he was trying to… trying to squash the situation.


“So, the whole time we were working on our marriage, he was trying to cover a lie at the same time. Tapos, nu’ng alam n’yang nalaman ko na, hinawakan n’ya ‘yung face ko (magkabila), sabi n’ya, ‘I need you to be strong, need you to be brave!’


“Sa isip ko, bakit ‘di nag-sorry? So, again conditioning, ‘di s’ya nagso-sorry, meaning justified ‘yung nararamdaman n’ya? Instead of apologizing, inutusan pa ako na maging strong, so I need to be strong. He never said sorry to me, he never said sorry to my parents and both of my parents are pastors. I-imagine mo ‘yung kahihiyan nu’n?” pagkukuwento pa ni Gee.

Samantala, itinanggi raw ni Archie ‘yung ginawa niya kay Rita at ang sinabing dahilan ay tine-technical siya.


“Sabi n’ya, ‘‘Di totoo kasi ganito, ganyan,’ kung ano ‘yung nasa social media, tulad din ng sabi n’ya na kung gusto n’yang mangmanyak, ang daming babae r’yan. First of all, important bang sabihing naging babaero ka for people to believe na ‘di ka nangmamanyak? Puwede bang du’n na lang tayo sa mode na ‘di ka talaga (nang-harass)? ‘Di ko alam kung ano’ng nangyari on that car, silang dalawa lang ang nakakaalam nu’n,” sabi pa ni Gee.


At ang dahilan nu’ng time na nangyari nga ang issue nina Archie at Rita ay ikinatwiran ng aktor na naghatid siya ng EP (executive producer) dahil pagkatapos daw iyon ng cast party.


Kuwento ni Gee, “Usually kasi, hinihintay ko s’ya. Eh, nakatulog ako,  5 AM na, wala pa. So, tinawagan ko, ‘di sumasagot. Then finally sumagot, video call, lasing, nagda-drive. Sabi nga n’ya, naghatid s’ya ng EP.


“‘Yun ‘yung time na inihatid n’ya si Rita, ang sabi n’ya sa akin ay naghatid s’ya ng EP. Sabi ko, ‘Even then, bakit ‘di mo sinabi sa akin? Bakit ‘di ka nagre-report?’ Kasi (for me), sana ipaalam mo naman sa spouse mo kung ano’ng nangyari, baka kasi you’re in an accident, I don’t know. Tapos, nu’ng pumutok ‘yung news, ‘yun pala, ang inihatid n’ya was her. And then I said, ‘Bakit ‘di mo sinabi sa akin?’ Kasi sabi n’ya, naawa s’ya, umiiyak. Sana, kumuha ka ng cellphone, tapos (i-video call) mo, pakita mo na medyo ano na, ‘Hatid ko muna.’ At least, I knew na kasama mo.”


At dahil nagtalo ang mag-asawa ay umabot sa sinakal ni Archie si Gee na sa pitong taon nilang kasal ay dalawang beses na itong ginawa sa kanya, bukod sa pananapok ng tumbler sa may tenga niya at sinuntok siya sa tagiliran, dahilan kung bakit nagkaroon ng crack ang dalawang ribs niya, bukod pa sa mga verbal abuses.


Tanong ni Ogie, “Sa dami ng mga ibinigay mong pangyayari, napapanood ito ng mga tao, so, ang tanong nila siguro, ang dami nang nangyari sa ‘yo, ‘di pa ba ‘yun sapat para kumawala ka?”


Sabi agad ni Gee, “‘Yun ‘yung sinabi kong regrets (panayam sa Fast Talk with Boy Abunda). Sabi ko, I wish I left earlier. But when you still have faith and hope na sana, ‘yung person na minahal mo was still there regardless kung naging bitter or nag-iba ang ugali, baka magbago pa.


“Kasi in fairness naman, when it was good, it was good, when it was bad, it was really bad. So if it was bad, nasa utak ko, nami-miss ko ‘yung good and somehow ay puwede pang maayos. But the very last straw, going back to New York.


“Akala ko, gusto lang mag-isip sa New York kasi sobrang crowded ng social media dito about the news, but he got a job to be promoter of a band in New York. So, akala ko baka magtrabaho lang du’n.


“Pagdating du’n, naging influencer, started TikToking in the middle of Times Square, food trip here, food trip there, alak. At one point, he posted (weed-muted). Sabi ko, grabe ‘yung tapak (sa akin) na everyone knew I stuck with you, everyone knew that I didn’t leave you and this is how you publicly want to display yourself? There is even a photo na butt out (iminuwestra) na parang wala ka na talagang paki, ‘no?”


Hindi man lang daw naisip ni Archie na may pamilya siyang maaapektuhan sa pinaggagawa niya, kasama pa ang kasong kinakaharap na posibleng maapektuhan din dahil sa ugali niya na base sa mga posts niya sa social media account niya.


Itinext na lang ni Gee ang tatay ng anak na mukhang masaya naman ito sa New York at may 15 days pa para mag-empake (ng mga gamit sa bahay) at iwan ang mga susi at huwag na ring mag-reply.


Again, bukas ang BULGAR sa panig ni Archie Alemania o ng kampo nito tungkol sa mga pahayag ng estranged wife niya.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page