Aray ko! XIAN, MAS PINILING MAGMOTOR KESA SAMAHAN SI KIM SA ABS-CBN BALL
ni Beth Gelena @Bulgary Files | October 06, 2023

Hindi ikinakaila ni Kim Chiu na may mga nagtatanong kung bakit hindi niya escort ang boyfriend na si Xian Lim sa ABS-CBN Ball kamakailan.
Solo flight kasing dumating ang Chinita Princess sa party.
Nag-explain siya na may commitment daw ang boyfriend. Sinabi ni Kim na nasa Himalaya, India ang actor at nagmo-motor kasama ang mga kaibigan.
May nagkomento na mas inuna pa raw ni Xian ang pagmomotor kesa samahan si Kim sa ABS-CBN Ball.
"Mas mahal ni Xian ang motor kesa kay Kim," hirit ng isa.
Esplika naman ni Kim, "Nagtanong naman siya kung kailan 'yung Ball. Sinabi ko ang date kaya lang, naka-set na rin sila for that date. Kaya ako na rin ang nagsabing go na siya."
Kahit naman walang escort ang aktres ay naagaw naman niya ang limelight sa Ball. Siya ang Most Outstanding Best Dressed that night.
Hangang-hanga ang mga netizens sa gown ng actress.
"Kim Chiu, parang live mannequin lang, gandang bihisan."
"Like a mannequin — 'wag na lang din pagsasalitain."
"They've both attended recent formal functions solo & have done well. It's a good sign."
Oo nga naman, at least, graduate na talaga sila sa pagiging magka-love team at kaya nang mag-solo career wise.





Comments