top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Aray ko, Jane! NETIZENS, MAS EXCITED KAY VALENTINA KESA KAY DARNA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 18, 2021
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 18, 2021





Hahaha! Mukhang mas nae-excite ang mga netizens kung sino ang gaganap na Valentina kesa sa gumaganap na Darna na si Jane de Leon sa Darna series ng ABS-CBN.


Nag-uumpisa nang mag-taping ang cast ng Darna. Hindi pa nila inire-reveal kung sinu-sino ang gaganap sa role na Valentina.


Maraming lumalabas na pangalan ng mga Kapamilya actress na gustong maging Valentina ng mga manonood. Nandiyan ang pangalan nina Janine Gutierrez, Lovi Poe at Julia Montes.


Matunog din ang pangalan ni Anne Curtis na noon pang bago manganak ay nagpapasubali nang gusto niyang maging bahagi ng Darna project.


Mainit din ang pangalan ni Janella Salvador. Akmang-akma rin daw ang Valentina sa young mother. Bongga raw sa young actress-mom ang Valentina role para sa pagbabalik nito sa teleserye.


Hmmm... hindi nga kaya kay Janella mapupunta ang role dahil eager sa pagpapapayat ang young actress?


Katunayan, inamin pa niyang dumaan siya sa liposuction mabawasan lang ang timbang.


Nasa listahan din pala sa mga pinagpipilian sina Ivana Alawi, Denise Laurel at Jackie Rice na balita namin ay lilipat na rin daw sa Kapamilya o nakalipat na.


Anyway, sinuman ang mapili ng Kapamilya bilang Valentina ay deserving dahil lahat sila ay may acting ability.


Ang direktor ng Darna TV series ay si Direk Chito Roño.


Sa Nov. 19 na raw malalaman kung sino ang gaganap na Valentina. Siguradong pasabog ang announcement ng ABS-CBN sa "Valentina reveal".


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page