Search
  • BULGAR

Aray ko!.. ENGAGEMENT RING NI ELLEN, PINAGPASA-PASAHAN NA NG MGA EX-GF NI DEREK

Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | April 5, 2021




May kumakalat ngayon sa social media na diumano ay reaksiyon ni Angelica Panganiban sa katatapos lang na engagement nina Ellen Adarna at Derek Ramsay.


Sa ipinost na larawan ni Ellen kung saan ipinakita niya ang engagement ring na bigay ni Derek, nag-comment diumano ang ex-GF ng aktor na pamilyar sa kanya ang singsing na may malaking diamond. ‘Yun daw ang singsing na laging ibinibigay ni Derek sa kanyang mga nakakarelasyon.


Kaya ang lumalabas, hindi raw si Ellen ang unang nagsuot ng nasabing singsing at may espekulasyong baka nagamit na rin daw ito ng mga unang naging GF ni Derek.


Ang tanong, magkakapareho ba ng size ng daliri ang mga babaeng nakarelasyon ni Derek kaya kumasya rin ito kay Ellen?


At gaano naman katotoong si Angelica nga ang nagbigay ng naturang comment sa nasabing engagement ring nina Ellen at Derek?


Samantala, ngayong engaged na sina Ellen at Derek, ang susunod na aabangan ng mga netizens ay ang kanilang pagpapakasal. Ngayong 2021 ba ito magaganap?


Pagkatapos ng kasal, aabangan naman ang paglilihi at pagbubuntis ni Ellen at ang next big story ay ang pagsisilang niya ng anak nila ni Derek. At dito na siguro matatapos ang chapter ng love story na sinubaybayan ng publiko.


Lubhang napakabilis ng mga pangyayari. Hindi inakala ng lahat na sina Ellen at Derek pala ang pinagtagpo sa ending.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.