top of page

Araw ng mga BAHA-yani?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 25, 2025
  • 1 min read

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | August 25, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos


Ngayong Araw ng mga Bayani, habang inaalala natin sina Rizal, Bonifacio, at iba pang nag-alay ng buhay para sa bayan, simple lang ang hamon ko sa mga kapwa ko lingkod-bayan: Magpaka-bayani naman kayong tunay!


Habang lubog sa baha ang taumbayan, kayo ba lubog din sa trabaho — o busy lang sa pag-swimming sa pera?


Kaumay na, beshie! Taun-taon, bilyun-bilyon ang pondo para sa flood control projects. Pero bakit tuwing bumubuhos ang ulan, parang nagiging Enchanted Kingdom ang mga kalsada? May instant swimming pool, water ride at say mo, may instant vacation - ay evacuation notice pala!


Heroes’ Day, pero para sa maraming kababayan natin, parang laging Zeroes’ Day — dahil walang nakikitang pagbabago.


Mga beshie, hindi ako papayag na mananatili tayong ganito. Hindi tayo titigil hangga’t walang tunay na resulta ang bilyong inilalabas para sa flood control. Tulad ng ginawa ng ating mga bayani, kailangan nating tumindig at lumaban. 


Hindi na banyaga ang kalaban, giyera na ito sa kapwa Pilipino na LULONG sa katiwalian at nagpapakasasa sa perang hindi naman kanila. 


Dahil ang totoong kabayanihan ngayon — hindi lang pagbuwis ng buhay, kundi pagtigil sa pagbubuwis ng dugo at buhay ng taumbayan sa bawat bagyo at baha.


GISING -- mga totoong bayani ng Pilipinas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page