Apela sa Department of Trade and Industry
- BULGAR
- Nov 5, 2021
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 5, 2021
Dear Chief Acosta,
Nakatanggap ako ng order ng Consumer Arbitration Officer tungkol sa aking naisampang kaso sa Department of Trade and Industry (DTI) sang-ayon sa Consumer Protection Act. Ano ang proseso ng pag-apela sa nasabing desisyon? – Karlito
Dear Karlito,
Ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na inyong inilahad ay ang Article 165 ng Republic Act No. 7394 na mas kilala bilang “Consumer Act of the Philippines,” kung saan nakasaad ang sumusunod:
“Article 165. Appeal from Orders. – Any order, not interlocutory of the Consumer arbitration officer, becomes final and executory unless appealed to the Department Secretary concerned within fifteen (15) days from receipt of such order. An appeal may be entertained only on any of the following grounds: a) grave abuse of discretion; b) the order is in excess of the jurisdiction or authority of the consumer arbitration officer; c) the order is not supported by the evidence or there is serious error in the findings of facts.”
(Binigyang-diin)
Ibig sabihin, ang mga order ng Consumer Arbitration Officer ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi maituturing na interlocutory ay magiging final at executory kung walang maghahain ng apela sa Department Secretary sa loob ng 15-araw mula ng pagkatanggap ng nasabing order. Maaari lamang maghain ng apela sa mga natatanging dahilan tulad ng grave abuse of discretion; ang order ay labis sa jurisdiction ng consumer arbitration officer; o kung ang order ay hindi suportado ng ebidensiya o may malubhang pagkakamali sa findings of facts.
Sa inyong sitwasyon, may 15-araw mula sa pagkatanggap ninyo ng order ng Consumer Arbitration Officer ng DTItungkol sa inyong kaso upang makapaghain ng apela sa Department Secretary, base sa mga natatanging dahilan sang-ayon sa batas. Kung hindi ninyo ito maiapela sa nasabing panahon, magiging final at executory na ang naturang order.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments