ANTON AT DAWN, 'DI PUWEDENG MAKITA IN PUBLIC NA MAY PROBLEMA SA RELASYON
- BULGAR
- Aug 12, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 12, 2023

Kahit bumalik ng ‘Pinas si Dawn Zulueta at dumalo sa isang event kasama ang kanyang mister na si Anton Lagdameo, hindi pa rin kumbinsido ang marami na okey na ang kanilang problemang mag-asawa.
Tiyak daw na nagkaroon sila ng heart-to-heart talk at may nag-advise na makakasira sa imahe ni Anton na ngayon ay nakapuwesto bilang Special Assistant to the President (SAP) ang mga marital problems nila ni Dawn.
Kailangan na makita ng publiko na okey ang kanilang pagsasama or else ay magiging talk of the town silang dalawa. Kaya hindi puwedeng hiwalayan ni Dawn si Anton para sa political career ng kanyang mister.
May naging paliwanag naman si Dawn sa kanyang pag-alis sa ‘Pinas kasama ang panganay nilang anak na si Jacobo Lagdameo. Doon na raw kasi mag-aaral ng kolehiyo ang anak at nag-enroll na ito sa Fordham University sa New York.
Si Dawn ang nag-asikaso ng lahat, kaya pansamantala siyang nawala sa ‘Pinas.
Pero ang mga Marites sa showbiz ay ayaw maniwala na back in each other’s arms na sina Dawn at Anton. Naniniwala pa rin ang mga ito na hindi pa naaayos ng mag-asawa ang kanilang mga marital problems at may involved din daw na third party dito.
Well, 25 years nang nagsasama ang dalawa bilang mag-asawa. Tiyak na ipaglalaban ni Dawn ang kanyang karapatan bilang legal wife. Hindi siya basta papayag na maagaw ng iba ang kanyang mister.





Comments