top of page
Search

Anti-Duterte politicians, torete sa joke ni VP Sara

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 13, 2024


Prangkahan ni Pablo Hernandez

ILLEGAL NA STL BOOKIES-CON JUETENG SA WESTERN VISAYAS DAPAT IMBESTIGAHAN NG SENADO AT KAMARA -- Dahil sa patuloy na operasyon ng STL bookies-con jueteng nina “Dindo,” “Ted” at “Rodney” sa Aklan, Capiz, Iloilo, Negros Occidental, Antique at Guimaras ay nalulugi ang gobyerno at ang mga legal na operators ng Small-Town Lottery (STL) sa mga lalawigang ito.


Dapat yata ay magkaroon ng imbestigasyon dito ang Senado o Kamara at imbitahan sina PNP-Region 6 Director, Brig. Gen. Jack Wanky,  Aklan Gov. Joen Miraflores,  PD Col. Victorinio Romanillos, Capiz Gov. Oto Castro, PD Col. Jerome Afuyog, Iloilo  Gov. Toto Defensor, PD Col. Bayani Razalan, Negros Occidental Gov. Bong Lacson, PD Col. Rainerio De Chavez, Antique Gov. Dodod Cadiao, PD Col Lea Rose Pena, at Guimaras Gov. Rahman Nava at PD Col. Rhea Santos para alamin kung bakit hindi masawata ang illegal gambling na kumukumpetensiya sa legal na STL operations sa kanilang mga nasasakupan, period!


XXX


JOKE LANG NAMAN NI VP SARA ANG ‘DESIGNATED SURVIVOR’, NATORETE NA ANG MGA ANTI-DUTERTE POLITICIANS -- Natorete ang mga anti-Duterte politician sa pabirong statement ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na kaya siya hindi dadalo sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ay dahil ia-appoint niya ang kanyang sarili bilang “designated survivor”.


Biro lang naman ito ni VP Sara, pero ‘yung mga anti-Duterte politician, natorete sa joke na ito, boom!


XXX


NCSC CHAIRMAN QUIJANO DAPAT SINIBAK, HINDI LANG SINUSPINDE -- Matapos na siya ay sampahan ng kasong gross neglect of duty at grace misconduct ng anim na komisyoner ng National Commission of Senior Citizens (NCSC), ay agad sinuspinde ng 90-araw ng Malacanang si NCSC Chairman Franklin Quijano.


Pambihira naman, eh bakit sinuspinde lang? Dapat ay sinibak na para hindi na makabalik sa puwesto, period!


XXX


WALANG KAWALA SA KASO SI HARRY ROQUE -- Matapos kumpirmahin ng Pagcor na abogado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) si former presidential spokesman Harry Roque, kinumpirma rin ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na may nakumpiska silang mga bank document ni Roque sa sinalakay nilang illegal POGO hub.


Ibig sabihin niyan, may mga ebidensya na laban kay Harry Roque kaya wala na talaga siyang kawala sa kaso, boom!


Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page