Ano ang epekto ng pekeng appeal bond?
- BULGAR
- May 11, 2022
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | May 11, 2022
Dear Chief Acosta,
Ako po ay isang manggagawa sa isang pabrika at tinanggal sa trabaho. Dahil dito ako ay nagsampa ng Illegal Dismissal na kaso sa National Labor Relations Commission (NLRC). Lumabas na ang desisyon ng Labor Arbiter at ito ay iniapela sa NLRC ng aming kompanya. Habang kami ay nag-e-execute ng Monetary Award pending appeal, aming nadiskubre na peke pala ang bond na isinumite ng aming kompanya sa NLRC. Ano po ang dapat kong gawin?
Ana
Dear Ana,
Ang sagot sa inyong katanungan ay sinagot ng Korte Suprema sa kaso ng Kenji Okada vs. Security Pacific Assurance Corporation (G.R. No. 164344, December 23, 2008, Ponente: Honorable Former Associate Justice Ruben T. Reyes), kung saan sinabi ng Korte Suprema ang epekto ng isang pekeng bond na kaakibat ng apela sa National Labor Relations Commission (NLRC). Ayon sa nasabing desisyon:
“In the case under review, Meiyu appealed the Labor Arbiter's decision to the NLRC. However, its appeal was deemed imperfect because its appeal bond turned out to be spurious. The bond was invalid. It did not effectively serve its purpose. It cannot thus be held liable to satisfy the money judgment of the Arbiter.
Absent a perfected appeal, the original parties stand in the same place as they were when the decision appealed from was rendered. Xxx (Binigyang-diin)
Sang-ayon sa nasabing desisyon ang pekeng Appeal Bond ay hindi ginagawang perpekto ang apela. Dahil walang apela, ang mga partido ay nasa parehas na kalagayan bago ang nasabing apela. Ang ibig sabihin nito, ang naunang desisyon ng Labor Arbiter, bago ang apela ang siyang dapat panindigan
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments