top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

ANGELINE, BUNTIS ULI HABANG IKINAKASAL

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 29, 2024
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | April 29, 2024




AYON kay Ogie Diaz sa Showbiz Update vlog nila ni Mama Loi, buntis umano si Angeline Quinto sa ikalawa nitong baby kay Nonrev Daquina.

Aniya, marami sa mga fans ni Angeline ang naghihintay na ibahagi nito ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. 

Ang mag-asawang Angeline at Nonrev ay may isa nang anak na lalaki, si Sylvio. 

Last Thursday, April 25, ikinasal na sa historic church ng Quiapo sina Angeline at Nonrev. 

Ayon sa balita, may halong saya at lungkot na nararamdaman ang singer habang naglalakad sa mahabang aisle ng Quiapo Church. 

Una, ang kasiyahan ng singer ay dahil sa nakilala niya ang taong nais niyang makasama habambuhay at dinala na siya sa harap ng altar.

Ngunit kasabay nito ang lungkot sa puso dahil wala na ang kanyang Mama Bob upang saksihan ang espesyal na okasyon, na pangarap niya simula pa noong una - ang makapagsimula ng pamilya at magkaroon ng sariling mga anak. 

Ang kasal nina Angge at Nonrev ay dinaluhan ng mga kilalang personalidad sa industriya, pati na ng mga bosses ng ABS-CBN na nagpakita ng suporta at pagmamahal sa kanila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page