ANGELICA, PINAGPIPIYESTAHAN SA 'HUBAD' NA PIKTYUR
- BULGAR
- Nov 29, 2021
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 29, 2021

Iniintriga ng mga netizens ang poster ni Angelica Panganiban sa bago nitong proyekto na The Kangks Show. Mistulang naked kasi ang aktres sa kanyang poster.
Catchy naman dahil marami ang na-curious kung bakit ganu'n ang ipinagawang poster ng mahusay na direktor na si Antoinette Jadaone.
Ang raunchy poster ng The Kangks Show ay kumpleto sa phallic at clitoral imagery kaya hinihinalang hubo't hubad ang aktres sa kanyang larawan.
Iniakma lang nila ang poster dahil ang konsepto ng istorya ng The Kangks Show ay daring storytelling.
Ang role ni Angelica ay isang sex guru. Bilang master ng educational sex, nagbibigay siya ng payo sa mga may problema about sex.
Kasama ng aktres sa poster ang kanyang mga co-stars na sina Maris Racal, Kit Thompson, JC de Vera at Angeli Bayani.
Malapit nang mapanood sa TV screens ang bagong programa ni Angelica.
Comments