ANGELICA, NAKIPAG-IYAKAN KINA KIM AT BELA BAGO IKINASAL
ni Julie Bonifacio @Winner | January 6, 2024

Isa-isang pinasalamatan ni Angelica Panganiban ang mga kaibigan niya na tumulong oara maisakatuparan ang wedding nila ng kanyang hubby na ngayong si Gregg Homan sa Los Angeles, California sa kanyang Instagram post kahapon.
Kabilang sa mga pinasalamatan niya ang barkadahang ‘AngBeKi’ nila nina Kim Chiu at Bela Padilla. At siyempre, ang direktor na si Andoy Ranay.
Caption ni Angelica: “Kailangan ko lang magpasalamat sa mga tao na bumuo, walang nagawa at kumilos na lang, kasabay namin tumalon, tumakbo at ginamit ang lahat ng kapasidad nila mabuo lang ang mga hiling namin sa araw na ito.”
Reading between the lines, mukhang biglaan lang naisip nina Angelica at Gregg ang maikasal sila sa New Year’s Eve because of the number date ng araw na ‘yun — ang “123123.”
'Di nga ba’t may pa-clue na si Angelica sa kanyang mga followers sa social media about the date ng kanyang wedding? At ‘di lang date, kundi pati venue na vinlog pa niya sa kanyang YouTube channel.
Pero tila nagbago ng isip ang dating magkasintahan at nagkasundo ngang magpakasal sa petsang Dec. 31, 2023 sa LA, California.
Kunsabagay, bihira at ‘di na talaga kasi magkakaroon ng ganitong petsa sa kalendaryo.
Kaya naging kakaiba at memorable ang wedding day nina Angelica at Gregg.
Unang pinasalamatan ni Angelica sa kanyang caption ang kanyang mga little sisters at kapatid na lalaki.
Mensahe ni Angelica sa kanyang mga kapatid, “Thanks to my little sisters @abbywhale @alyannaquino for making the most beautiful DIY wedding arch. Sabi ko, hindi ko kailangan ng flowers sa aisle, wala ng mga ganon-ganon. Gusto ko lang ng arch with red roses. And they delivered 100%.
“My brother kimmy @apa112 !!! Thank you for securing this venue even if its New Year's eve. Helping Gregg with his suit, Gregg’s grooming, for getting the party bus, for booking the karaoke. For getting the drinks and most of us drunk. We’ll be supporting your new business “the wedding coordinator”."
Madamdamin din ang mensahe ng pasasalamat ni Angelica kay Direk Andoy na may sariling bahay katabi ng Homan's abode sa Subic, Olangapo.
“@andoyr1973 kasama ka namin simula umpisa hanggang ngayon sa panibagong simula. Magkasama tayong umiiyak noon, mula sa concert ni Adele, sa pagnood ng mga teatro, umiiyak tayo, kahit volleyball, iniiyakan natin. Ngayon, umiiyak ka pa rin sa kasal ko, pero ibang luha na ‘to. Mahal na mahal ka namin. Salamat sa lahat-lahat. Alam mo na kung ano ang mga 'yun,” lahad ni Angelica.
And for her ‘AngBeKi’ friends, “Momsy Bels and Momsy Kimmy @bela @chinitaprincess wala man sa plano ang pag-arrive n'yo sa LA, pero 'yun na yata ang pinakamasayang parte ng wedding.
“From our very wholesome bachelorette na iyak lang tayo nang iyak with more, more laughter din (lakas makabaliw, yes) salamat sa pag-provide ng dream wedding cake ko. Sa flowers na ang lakas maka-soft girl.
“Pakiramdam ko, hindi lang ako ikinasal kay Gregg, ikinasal din ako sa inyong dalawa pang-habambuhay na ‘to. Love you both.”
Sa kanyang make-up artist na lumipad din pa-US just for her wedding, “To my hype girl @mikkamarcaida salamat sa paulit-ulit na tanong kung kinakabahan ako, hindi nakatulong. Pero seryoso, noon pa man, noon na noon pa!
“Single pa ko, nag-uusap na tayo na ikaw ang gagawa ng makeup ko 'pag ikinasal ako. Salamat at tinupad mo pangarap ko.
“Inikot mo ang mundo makarating ka lang sa araw ng kasal namin. Hindi ko 'to makakalimutan kahit makakalimutin na 'ko ngayon. We love you!!”
And lastly, nag-thank you din si Angelica sa kanyang pamilya.
“To my family here in LA, mula noon, wala kayong pagkukulang sa pag-aalaga sa 'kin kapag nandito ako. Ngayon, hindi na lang ako inaasikaso n'yo. Kasama na si Gregg and Beanie. Love you guys.”
Nag-comment ng pagbati sa IG post ni Angelica ang mga celebrity friends niya gaya nina Bea Alonzo, Judy Ann Santos, Rica Peralejo, Agot Isidro, Dionne Monsanto at Ryza Cenon.





Comments