Angel, sapul! P-DU3O: MGA NAG-COMMUNITY PANTRY, BUGOK!
- BULGAR
- Apr 30, 2021
- 1 min read
Julie Bonifacio - @Winner | April 30, 2021

Nagsalita na si Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa mga nag-usbungang community pantries sa iba't ibang panig ng bansa.
Imbes na papurihan dahil sa inisyatibong makatulong sa mga kapwa Pilipino in their own little way, binatikos ni Pres. Duterte ang mga nagtayo nito.
Pero para kay P-Digong, dapat daw ay sa barangay nagsisimula ang community pantry. Karugtong pa nito, tinawag nitong "bugok" ang mga nag-put-up ng ganitong charity work.
Narito ang ilang bahagi ng pahayag ni P-Digong na naka-post sa Facebook page ng Unang Hirit,
"'Pag maglinya lang sila, not so much, then sabihin, ‘you're next.’ Ganu'n sana. Bugok... wala lang isip 'yang mga ****** 'yan. They just want to show to the people that they care but they don’t really care because of their ignorance.”
Knows naman ng marami na isa sa pinaka-pamoso at pinag-usapang community pantry ay ang binuksan ng aktres na si Angel Locsin during her birthday last April 23.
We wonder kung ano ang magiging reaksiyon ni Angel sa pagtawag ni P-Digong na "bugok" sa mga nagsagawa ng community pantry.





Comments