top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

ANGEL, MAMUMUDMOD NG P1 MILYON SA MGA BIKTIMA NI 'ROLLY'

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 5, 2020
  • 2 min read

Julie Bonifacio - @Winner | November 5, 2020




To the rescue muli ang real-life hero na si Angel Locsin sa mga kababayan natin. This time, ang mga nasalanta naman ng Bagyong Rolly ang kanyang tutulungan.


Sa kanyang latest Instagram post ay inanunsiyo ni Angel ang pagbibigay niya ng tulong worth P1 million cash.


Tinawag ni Angel na "Typhoon Rolly Assistance Initiative" ang aksiyon niya na pagdi-distribute ng tulong.


"Sa aming maliit na paraan, nais po naming makapag-abot ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Rolly thru Gcash. Though we would like to reach out to everyone who are in need, our resources are limited and can only accommodate the first 1,000 valid request. Each request will receive Php1,000," mensahe ni Angel sa kanyang IG post.


Ang request na pagtulong mula kay Angel ay valid lamang from Nov. 2-3, 2020.


May kailangan lamang gawin para sa mga tatanggap ng tig-P1,000 ang mauunang 1,000 kababayan natin na labis na naapektuhan ng Bagyong Rolly.


Una, gumawa lang ng video na 'di lalampas sa dalawang minuto. Banggitin ang buong pangalan at ang lugar sa simula ng video. Ipakita sa video ang kalagayan.


Pagkatapos ay ipadala as private message sa Typhoon Rolly Assistance Initiative Facebook page kasama ang kanilang Gcash account details.


Lahat daw ng magpapadala ng video ay confidential at hindi ilalabas.


Sa huli ay nagpaalala si Angel sa mga magpapadala ng video na mag-ingat sa scam.


"Paalala!: Hindi po kami gagamit ng ibang numero o ibang paraan para mag-communicate maliban sa Typhoon Rolly Assistance Initiative Facebook page."


Pakiusap pa ni Angel, huwag daw mang-abuso at ipaubaya na ang gagawin nilang pagtulong sa mga matinding naapektuhan ng Bagyong #Rolly.


Habol pa ng Kapamilya actress sa kanyang post, wala raw kailangang i-follow or i-like para mabigyan ng ayuda ni Angel.


Nag-react ang aktres na si Eula Valdez sa post ni Angel at naglagay ng three praying hands for her. Si Eula ay nakatrabaho ni Angel sa kanyang huling serye sa ABS-CBN, ang The General's Daughter.


May nag-comment din sa IG post ni Angel na netizen na taga-Catanduanes na nagre-request sa host ng public service program sa ABS-CBN, ang Iba 'Yan, na ipa-cover sa media ang nangyari sa bayan nila pagkatapos hagupitin ng Bagyong Rolly.


Nag-reply naman si Angel sa comment-post ng netizen na taga-Catanduanes.


"Alright :) Please let me know how can I help," sabi ni Angel.


Ang daming netizens na pumuri kay Angel sa kanyang bagong 'act of kindness.' 'Yung iba ay nais maging bahagi rin ng ginagawang pagtulong ni Angel.


Pero 'yung iba, pilit pa ring iniuugnay si Angel bilang rebelde or member ng NPA (New People's Army).


Dedma na lang siyempre si Angel sa ilang netizens na nagsasabi nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page