ANGEL, DEDMA SA PANAWAGAN NG MGA BIKTIMA NG BAGYO, TODO-ENJOY SA HONEYMOON SA SPAIN
- BULGAR
- Nov 4, 2022
- 4 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 4, 2022

Sa dami ng bagyong dumaan sa Pilipinas na hanggang ngayon ay hindi pa nakakabangon ang mga kababayan nating biktima ng mga baha, landslide, mga nawalan ng bahay at iba pa ay kataka-takang hindi nagpaparamdam ang aktres na si Angel Locsin.
Nasanay kasi ang mga kababayan natin na kapag may ganitong mga sakuna ay kaagad nakasaklolo ang real-life Darna sa mga nangangailangan ng tulong na ilang taon na niyang ginagawa.
Kaya ngayon ay iisa ang tanong ng mga kababayan nating biktima ng bagyong Paeng, nasaan si Angel Locsin?
Wala sa bansa ang aktres dahil kasama nito ang asawang si Neil Arce at matagal na silang nagbabakasyon sa Spain bilang honeymoon na rin nila.
Noong Hunyo 18 umalis ng bansa ang mag-asawa base sa post nito sa kanyang Instagram account, at ang huling post ay noong Agosto 13 kung saan makikita sa video na namamasyal sila ni Neil sa magagandang lugar sa Segovia, Spain.
Sa nasabing post na ito namin nabasa ang komento ng mga kababayan nating hinahanap si Angel.
Mula kay @aljeanchavez, “'Pag ganitong sakuna, alam ko po, nangunguna po kayo sa pagtulong. Sana 'wag po kayong mapagod sa pagtulong. Salamat po.”
Sumisigaw naman ang puso ni @shielazee, “Hello po Ma'am Angel. PLS. HELP US IN COTABATO AND MAGUINDANAO. MADAMI NA PONG NAMAMATAY. TULUNGAN N'YO PO KAMI.”
Say din ni @kingeugine, “Ms. ANGEL, PLS. HELP US HERE IN ZAMBOANGA CITY.
BINABAHA NA PO LAHAT NG AREAS DAHIL SA BAGYONG PAENG. PLEASE HELP US PO USING YOUR PLATFORMS. WE NEED RESCUE TEAMS AND GOODS LIKE CLOTHES AND FOOD. THANK YOU PO!!!”
Kinukumusta naman ni @eliza_aranzamendez si Angel, “Are you ok? You’re not posting and no vids. I miss you.”
Sa pagkakaalam namin ay okay naman si Angel at 2023 pa sila babalik ni Neil sa Pilipinas base na rin sa aming source.
Nakapunta na rin sa bahay ng rumored GF… DONNY, UMAMING NABITBIT NA SI BELLE SA BAHAY NILA

It can be told na ang partnership nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang hottest love team ngayong 2022 dahil sa maikling panahon ng pagsasama nila ay kaliwa’t kanan na ang achievements nilang dalawa in terms of their projects.
Nagsimula ang love team nila nu'ng 2020 sa kainitan ng COVID-19 pandemic kaya naisip ng Star Creatives na gumawa ng online series na He’s Into Her produced ng iWantTFC na idinirek ni Chad Vidanes.
Sino ang mag-aakala na magki-click pala ang nasabing series ng DonBelle kaya nasundan ito ng Season 2, bukod pa sa ginawa itong pelikula at nasundan ulit ng hit movie na Love is Color Blind na ipinalabas din online?
At ngayong bukas na ang mga sinehan ay malaking sugal sa Star Cinema na ang pelikula nilang An Inconvenient Love ang una nilang isasalang kaya naman kabadung-kabado sina Donny at Belle rito. Pero mas ninenerbiyos naman ang direktor nilang si Petersen Vargas dahil first mainstream movie niya ito.
Sa ginanap na mediacon ay inamin ni Direk Petersen na finally, natupad na ang pangarap niyang makagawa ng mainstream movie sa Star Cinema.
Kaya natanong siya kung paano niya ire-rate ang DonBelle love team.
“Nu’ng natanong ako kung may love team ba na nagre-remind sa akin, when I see DonBelle when I’m working with them, matagal kong inisip na kaya marami silang fans kasi bago at napaka-refreshing ng love team nila.
“And what I can assure people especially in this film ay nag-step-up sila at ang raw and intimate nilang dalawa, ‘yun ang discovery ko. At inisip ko na lang na ganu’n sila (in love) as actors kahit wala na sa harap ng camera at lahat kami sa set, kinikilig pa rin kami. Ramdam mo talaga na nandoon sila for each other,” paglalarawan ng direktor tungkol sa pakikipagtrabaho niya kina Donny at Belle.
Para naman kina Donny at Belle ay ginagawa nilang mabuti ang kanilang trabaho.
At dahil maraming supporters na gustong magkatuluyan sila, ano ang masasabi nila rito?
“I think both of us naman were very genuine of what we show. What you see is what we have on and off cam,” say ni Belle.
Sagot naman ni Donny, “We don’t really think of what also people think. It's more of what really we have each other as well.”
Samantala, sa henerasyon ngayon ng mga kabataan o tinatawag na Gen Z na nagkakagustuhan, marami na ang hindi dumadaan sa ligawan dahil kapag click na o nagkakaintindihan na ay okay na, kayo na, ganern!
Pero hindi ganu’n ang gusto ng DonBelle.
“Well, ako kasi, personally I’m very traditional type of girl. Gusto ko ‘yung pinupuntahan ako sa bahay. And I can’t speak of my generation kasi we fall in love differently. Gusto ko (talaga) ‘yung traditional way,” saad ng dalaga.
“Mas gusto (ng iba), convenient na everything is there na. Sometimes it's not a good thing.
Gusto ko rin po (dumadalaw) with flowers, sinusulatan,” opinyon naman ng binata.
Inamin din ni Donny na nakadalaw na siya nang ilang beses sa bahay nina Belle para bumati sa mommy nito at naisasama na rin niya ang dalaga sa family events nila.
Walang inamin ang dalawa kung ano ang real score sa kanila, pero sabi nila, “What you see is what you get.”
Kasama rin sa An Inconvenient Love sina JC Alcantara, Iana Bernardez, Chino Liu, Maxene Magalona, Precious Lara Quigaman, Matet de Leon, Bryan Sy, Adrian Lindayag, Teresa Loyzaga, Sheeny Gener, Vance Larena, Jeffrey Quizon at Tirso Cruz III.





Comments