top of page

Ang tunay na kahulugan ng “management prerogative”

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | December 19, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Madalas na linyahan ng manager namin sa mga patakaran nito ang tinatawag na management prerogative. Ano ba ang tunay na kahulugan nito? Meron bang limitasyon ito o lahat na lang ng maisipan ng aming boss na patakaran ay maaaring idahilan ito? Maraming salamat sa paglilinaw. – Marga





Dear Marga,


Sa kasong Magante v. Wellcare Clinics and Lab, Inc. (G.R. No. 242498, 6 Oktubre 2021, Unang Dibisyon), ipinaliwanag ng ating Korte Suprema ang konseptong tinatawag na management prerogative:  


Under the doctrine of Management Prerogative, employers enjoy a wide sphere of authority to regulate its own business, subject to limitations imposed by labor laws and the principles of equity and substantial justice. Thus, an employer may determine work assignments and corollary, transfer or reassign employees around various areas of its business operation according to its sound judgment, provided that the transfer is not unreasonable, inconvenient, prejudicial, or involve a demotion in rank or a diminution of salaries, benefits, and other privileges.


Kaugnay sa nabanggit, sinasabi sa doktrinang “management prerogative” na binibigyan ang mga employer ng malawak na kapangyarihang pamahalaanan at isaayos ang kanilang negosyo, alinsunod sa mga limitasyong itinakda ng batas ukol sa paggawa at ng mga prinsipyo ng katarungan at patas na pagtrato.

Kabilang sa nasabing doktrina ang kapangyarihang magtalaga ng gawain, at kung kinakailangan, ilipat o muling italaga ang mga empleyado sa iba’t ibang bahagi ng operasyon. Gayunpaman, ang ganitong mga paglipat ay dapat gawin nang tapat at makatarungan. Ito ay dapat laging makatuwiran, hindi magdudulot ng labis na abala o pinsala sa empleyado, o magresulta sa pagbaba ng kanyang ranggo, sahod, benepisyo, o anumang pribilehiyo.

Hinggil sa nabanggit, itinakda rin ng desisyon ng Korte Suprema ang mga sumusunod na limitasyon ng “management prerogative”:


As repeatedly held, the exercise of management prerogative is not unlimited; it is subject to the limitations found in law, collective bargaining agreement or the general principles of fair play and justice.” (Goya v. Goya, G.R. No. 170054, 21 Enero 2013, na isinulat ni Kgg. na Kasamang Mahistrado Diosdado Peralta)


Ibig sabihin, bagaman at may kapangyarihan ang mga employer na pairalin ang kanilang management prerogative, ang pagpapairal na ito ay hindi lubusan at may mga limitasyong nakapaloob sa mga batas sa paggawa, mga probisyon sa collective bargaining agreement (CBA), at iyong nagmumula sa mga pangkalahatang prinsipyo ng katarungan, hustisya, at  patas na pakikitungo at pagkakapantay-pantay.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.

        

Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page