top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ang sosyal pa naman daw ng misis mo, Gov. Chiz… HEART, NAPIKON SA MANLOLOKO, MINURA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 19, 2020
  • 2 min read

Julie Bonifacio - @Winner | December 19, 2020




Nagulat ang mga netizens sa mga mensaheng ipinost ni Heart Evangelista sa kanyang Twitter account kahapon.


May kinalaman ang sunud-sunod na tweets ni Heart bilang reaksiyon sa panlolokong ginawa sa isang tindero na gumagawa ng parol.


"Not very Heart Evangelista" kasi ang mga linyahang ipinost ni Heart sa kanyang Twitter account na Love Marie O. Escudero.


Knows kasi ng madlang pipol kung gaano kasyala-syala at prim and proper ang misis ni Gov. Chiz Escudero.


"'Pag napikon- sa mga abusado. 'Pag galit- sa mga walanghiya, 'pag may inaapi na tao/helpless na aso. It all comes flying out of my mouth for 1 minute lang," last tweet ni Heart bago ang promo-promo video niya para sa noodles na nakalagay sa kanyang Hermes Birkin bag na may hand-painted design, na malamang ay si Heart din ang nagpinta.


Ang tweet na 'yan ni Heart ay eksplanasyon niya sa nauna niyang mensahe sa kanyang Twitter account.


"Napipikon talaga ako! Hayop mga manloloko na 'yan. Good luck sa inyo," say ni Heart.


Comment ng netizen sa tweet ni Heart, "'Pag si Heart ang nagmura, parang ang mahal?" "Ba't parang ang sarap sa ears ng mura ni Ms. Heart?"


"Hindi bagay ni Mrs. Escudero magmura, parang ang mahal."


Ni-retweet pa ni Heart ang reply na 'to ng netizen, "Nagmumura rin pala si Heart."


Anyway, kaya nagalit si Heart ay dahil sa post tungkol sa tindero ng parol na naiyak dahil hindi kinuha ng buyer niya ang ipinagawa sa kanyang parol na inabot ng P100K.


No choice ang tindero kundi ibenta na lang ng pamilya niya sa halagang P70 pesos bawat isa ang parol sa Central Market sa Sta. Cruz, Manila.


Caption ni Heart sa ni-retweet niya na news item tungkol dito, "Who ordered?? Nakakainis, ha. How to find him??"


Later on, kumalat din sa social media ang balitang nagpaabot na ng tulong si Manila Mayor Isko Moreno sa tindero ng parol.


Sino pa nga ba ang tutulong sa isang Manileño, kundi ang kapwa niya Manileño.

Sana all.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page