top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Ang most controversial movie… MAID IN M'CAÑANG, MAY PART 2 AT 3

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 3, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | August 3, 2022



Ngayong araw na nga ang simula ng showing sa 200 cinemas nationwide ng napaka-controversial movie na Maid in Malacañang o MIM sa direction ni Darryl Yap. Bukod sa regular showing, may mga block screenings pa at susunod na ang showing sa ibang bansa.


Sa nabasa namin, pupunta sa Japan si Direk Darryl, ang cast at si Sen. Imee Marcos dahil simula Aug. 13, showing sa anim na lugar doon ang pelikula. Ang dami pang requests na ipalabas sa ibang bansa ang MIM.


Sa ending ng movie, malalaman kung ano ang nangyari sa mga maids na sina Santa (Karla Estrada), Biday (Beverly Salviejo) at Manang Lucy (Elizabeth Oropesa). Sila ang nagbigay ng comedy at light moment sa movie.


Samantala, sa isang interview kay Direk Darryl, inulit nito ang sinabi sa mediacon na dapat ay trilogy ang MIM at binanggit na nito ang title ng sequel na Martyr o Murderer o #MOM at ang last ay Mabuhay Aloha Mabuhay o #MAM.


Ang MOM daw ay tungkol sa kung sino ang pumatay sa dilawan at ang MAM ay tungkol sa naging buhay ng mga Marcos sa Hawaii noong ma-exile sila.


Kung sakaling matuloy ang sequel ng MIM, baka hindi na si Direk Darryl ang director dahil marami siyang naka-line-up na projects sa Viva. Sinabi na raw niya kay Sen. Imee na baka hindi na niya magawa ang MOM at MAM at kung gusto ng senadora na ituloy ang sequel, si Darryl na lang ang magsusulat ng script, pero hindi as director.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page