top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Ang lala raw ng nangyari… GERALD, AYAW SIRAAN SI BEA KAYA NANAHIMIK NA LANG SA HIWALAYAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 6, 2021
2 min read

Julie Bonifacio - @Winner | March 6, 2021





Sa wakas ay nagsalita na ang controversial actor na si Gerald Anderson sa mga isyung kinasangkutan niya before, during and even perhaps till after pandemic.


Isang exclusive interview ang ibinigay ni Gerald kay King of Talk Boy Abunda na ginanap sa Hayati beach resort na pag-aari mismo ng aktor.


Umpisa pa lang ng interview ay inamin na ni Gerald na siya raw ang most controversial actor nitong pandemya.


Sabi ni Kuya Boy, kahit pinaluhod tayo ng pandemya at pinadapa sila ng pagkakasara ng ABS-CBN, nagkasama muli sila ni Gerald.


"Oo, nandito pa rin tayo. Nandito tayo (resort). Naka-setup pa rin tayo ng maganda," sabay tawa ni Gerald.


Tinanong ni Kuya Boy si Gerald kung paano niya na-manage ang mga pagsubok na dumating sa kanya. Itinuro ni Gerald ang values daw na natutunan niya sa buhay-probinsiya, more than anything is gratitude.


"Tito Boy, at the end of the day, I mean, ahh... Ako 'yung pinaka-controversial na tao siguro sa buong Pilipinas ngayon, but I'm so blessed with good health, good health 'yung pamilya ko. Nakakakain kami araw-araw. May work ako. I can still provide for them. Naibibigay ko lahat ng gusto nila lalo na 'yung nanay ko. I'm sooo grateful, and so blessed," pahayag ni Gerald.


Siyempre, 'di pinalagpas ni Kuya Boy ang paliwanag ni Gerald sa mga isyung kinasangkutan niya since siya na rin mismo ang nagsabi na he's the most controversial person sa 'Pinas ngayon.


Una, ang ghosting issue na ibinabato kay Gerald ng ex-girlfriend niyang si Bea Alonzo.


"Wala po akong ghinost," sabi ni Gerald kay Kuya Boy.


Pero tinanong ni Gerald si Kuya Boy kung ano raw ba ang definition ng "ghosting".


"Kasi ang dating sa 'kin is parang nasa gitna kami ng dinner and then nag-decide ako na mag-walkout and 'di magpapakita kahit kailan. 'Yun ba ang definition or is it walking away from a very unhealthy, toxic -- not saying na siya 'yung toxic, ako 'yung toxic -- but being together we were very toxic, and hindi inirerespeto 'yung explanation na ibinibigay mo, hindi tinatanggap after months and months and months and months and months of being on the rocks at medyo away? I mean, 'yun lang. I'm just gonna leave it at that," esplika ni Gerald.


Pinili raw ni Gerald na manahimik sa simula ng breakup nila ni Bea dahil ayaw niyang maakusahan na nanggagamit ng iba para linisin ang kanyang pangalan.


"I will never throw someone under the bus para lang linisin 'yung (name ko)... lalo na 'yung tao na I have intimate moments with, I had happy moments with. Lalo na itong last, ang pangit, ang lala," himutok ni Gerald.


At sa pangalawa, sinagot ni Gerald ang real score sa kanila ni Julia Barretto.


Inamin ni Gerald kay Kuya Boy that not only he is happy but very happy.


Diretsahan ang tanong ni Kuya Boy kay Gerald, "Are you happy with Julia?"


"Very happy, Tito Boy. It's a yes," ang sagot ni Gerald with matching pagkatamis-tamis na ngiti.


At habang sinasabi ito ni Gerald, mababanaag sa kanyang mga mata kung gaano siya ka-in love ngayon. Kumukuti-kutitap, hah!


Say ni Kuya Boy kay Gerald, "You guys are happy."


"Sobra, Tito Boy," pag-amin pa ni Gerald.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page