top of page

Ang krimeng malversation

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 11
  • 3 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 11, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Ano ba ang tinatawag na krimeng malversation? May kakilala akong isang kawani ng gobyerno na nangangamba matapos niyang marinig na maaari diumano siyang managot sa nasabing krimen dahil sa kanyang isang kapabayaan na aniya ay nagdulot sa pagkawala ng mga kagamitan ng ahensyang pinapasukan niya. Sa madaling salita, sa ganitong krimen ba ay maaaring managot ang isang tao kahit hindi naman sinasadya at pawang alegasyon lamang ng kapabayaan? -- Jahn



Dear Jahn, 


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa mga kaugnay na kaso ng Korte Suprema at probisyon ng ating mga batas, espesipiko ang Artikulo 217 ng inamyendahang Act No. 3815, o mas kilala sa tawag na “Revised Penal Code,” na sinasabi:


“Art. 217. Malversation of public funds or property. — Presumption of malversation. - Any public officer who, by reason of the duties of his office, is accountable for public funds or property, shall appropriate the same, or shall take or misappropriate or shall consent, through abandonment or negligence, shall permit any other person to take such public funds or property, wholly or partially, or shall otherwise be guilty of the misappropriation or malversation of such funds or property, shall suffer: Xxx.” 


Ayon sa kasong Sarion vs. People (G.R. Nos. 243029-30, 18 March 2021) sa panulat ni Honorable Associate Justice Samuel H. Gaerlan, ang mga rekisito ng nasabing krimen ay ang mga sumusunod:


“The elements common to all acts of malversation under Article 217 of the Revised Penal Code, as amended, are the following: (a) that the offender is a public officer; (b) that he had custody or control of funds or property by reason of the duties of his office; (c) that those funds or property were public funds or property for which he was accountable; and (d) that he appropriated, took, misappropriated or consented, or through abandonment or negligence, permitted another person to take them xxx.”


Sa madaling salita, upang managot sa krimeng malversation, nararapat na mapunan ang mga sumusunod na rekisito: 


(a) na ang nagkasala ay isang pampublikong opisyal; 

(b) na siya ay may kustodiya o kontrol ng mga pondo o ari-arian dahil sa mga tungkulin ng kanyang katungkulan; 

(c) na ang mga pondo o ari-arian na iyon ay mga pampublikong pondo o ari-arian kung saan siya ay nananagot; at 

(d) na kanyang inilaan, kinuha, inabuso o pinahintulutan, o sa pamamagitan ng pag-abandona o kapabayaan, pinahintulutan ang ibang tao na kunin ang mga ito. 


Patungkol sa katanungan sa pamamaraan kung paano nagagawa ang nasabing krimen, binigyang-linaw sa kaparehong kasong Sarion vs. People, na ang krimeng malversation ay maaaring magawa sa pamamagitan ng, o dahil sa kapabayaan – tulad kapag ang nagkasala ay sadyang pinahintulutan ang isa pa o ang iba na gamitin o maling gamitin ang mga pampublikong pondo o ari-arian:


Malversation may be committed intentionally (dolo) or by means of negligence (culpa). The crime is committed by means of dolo when the act is accompanied by criminal intent as when the offender misappropriated or converted public funds of property to one's personal use. Malversation may also be committed by means of culpa or by such negligence or indifference to duty or to consequences as, in law is equivalent to criminal intent; as when the offender knowingly allowed another or others to make use of or misappropriate public funds or property.” 


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page