top of page

Ang krimen na direct assault

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 26
  • 3 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 26, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Ano ba ang krimen na direct assault? Saklaw ba nito ang isang guro na pinaslang ng kanyang 20 gulang na estudyante habang nagtuturo sa silid-aralan? Ang dahilan diumano ng pamamaslang ay ang mababang gradong ibinigay ng guro. Maraming salamat.

-- Robinhood



Dear Robinhood, 


Ang iyong katanungan ay binigyang kasagutan sa mga kaugnay na kaso ng Korte Suprema at ng probisyon ng Act No. 3815, na inamyendahan ng Republic Act (R.A.) No. 10951, o mas kilala sa tawag na “The Revised Penal Code,” espesipiko, ang Artikulo 148 ng nasabing batas na nagsasaad:


 “Art. 148. Direct assaults -- Any persons who, without a public uprising, shall employ force or intimidation for the attainment of any of the purposes enumerated in defining the crimes of rebellion and sedition, or shall attack, employ force, or seriously intimidate or resist any person in authority of any of his agents, while engaged in the performance of official duties, or on occasion of such performance, shall suffer xxx.” 


Kaugnay ng nabanggit na batas, ibinahagi ng Korte Suprema sa kasong People vs. Vidal (G.R. No. 229678, 20 June 2018) sa panulat ni Honorable Chief Justice Diosdado M. Peralta, ang mga rekisito ng nasabing krimen:


“[T]he elements of which are: 1) that there must be an attack, use of force, or serious intimidation or resistance upon a person in authority or his agent; 2) the assault was made when the said person was performing his duties or on the occasion of such performance; and 3) the accused knew that the victim is a person in authority or his agent, that is, that the accused must have the intention to offend, injure or assault the offended party as a person in authority or an agent of a person in authority.”


Hinggil sa nabanggit, ang Direct Assault ay isang krimen kung saan: (1) may naganap na pag-atake, paggamit ng dahas, seryosong pananakot, o matinding pagtutol laban sa isang taong may awtoridad o kanyang kinatawan; (2) ang nasabing pag-atake ay ginawa habang ginagampanan ng biktima ang kanyang tungkulin o may kaugnayan sa pagtupad nito; at (3) alam ng gumawa ng krimen na ang kanyang biktima ay isang taong may awtoridad o kinatawan nito, at may layunin siyang saktan o lapastanganin ito bilang ganoon.


Sa kasong People vs. Balbar (G.R. Nos. L-20216 and L-20217, 29 November 1967), sa panulat ni Honorable Chief Justice Querube C. Makalintal, nilinaw ng Kataas-taasang Hukuman na ang isang guro ay itinuturing na isang person in authority gamit ang probisyon patungkol sa krimen na Direct Assault:


By express provision of law xxx, ‘teachers, professors, and persons charged with the supervision of public or duly recognized private schools, colleges and universities shall be deemed persons in authority, in applying the provisions of Article 148.’ This special classification is obviously intended to give teachers protection, dignity, and respect while in the performance of their official duties. xxx.” 


Bilang buod, kung mapatutunayan ang mga alegasyon na iyong naibahagi – maaaring mapunan ang mga rekisito upang managot sa krimeng Direct Assault ang 20 taong gulang na estudyante na pinaslang ang kanyang guro habang nagtuturo sa silid-aralan dahil sa mababang gradong ipinagkaloob sa kanya. Bukod pa rito, sapagkat ang pag-atake sa guro ay nagdulot sa pagkasawi, ang estudyante ay maaari ring managot sa krimeng complex crime na Direct Assault with Murder or Homicide alinsunod sa nabanggit na kasong People vs. Vidal: 


When the assault results in the killing of an agent or of a person in authority for that matter, there arises the complex crime of Direct Assault with murder or homicide. Xxx When the offense is a complex crime, the penalty for which is that for the graver offense, to be imposed in the maximum period.” 


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala. 



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page