top of page

Ang incontestability period ng insurance policy

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 18 hours ago
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 13, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Ang kapatid ko na pumanaw ay may kinuhang life insurance policy tatlong taon bago siya namatay. Nang makausap namin ang kanyang ahente ay sinabi nito na hindi diumano mababayaran ang kanyang mga benepisyaryo dahil hindi umano nito sinabi na siya ay may matagal nang karamdaman sa puso nang siya ay nag-apply ng life insurance. Ano ba ang sinasabi ng batas ukol dito? -- Yesha



Dear Yesha,


Ang kasagutan sa iyong tanong ay mababasa sa Seksyon 48 ng Republic Act (R.A) No. 10607 o mas kilala sa tawag na The Insurance Code kung saan nakasaad na: 


“Section 48. Whenever a right to rescind a contract of insurance is given to the insurer by any provision of this chapter, such right must be exercised previous to the commencement of an action on the contract.


After a policy of life insurance made payable on the death of the insured shall have been in force during the lifetime of the insured for a period of two (2) years from the date of its issue or of its last reinstatement, the insurer cannot prove that the policy is void ab initio or is rescindable by reason of the fraudulent concealment or misrepresentation of the insured or his agent.” 


Ang binabanggit sa probisyon na ito ay ang tinatawag na incontestability period sa mga life insurance policy. Ito ay ipinaliwanag din sa kasong Manila Bankers Life Insurance Corporation vs. Cresencia P. Aban (G.R. No. 175666, July 29, 2013, Ponente: Honorable Associate Justice Mariano C. Del Castillo) ng Kataastaasang Hukuman:


“Section 48 serves a noble purpose, as it regulates the actions of both the insurer and the insured. Under the provision, an insurer is given two years – from the effectivity of a life insurance contract and while the insured is alive – to discover or prove that the policy is void ab initio or is rescindible by reason of the fraudulent concealment or misrepresentation of the insured or his agent. After the two-year period lapses, or when the insured dies within the period, the insurer must make good on the policy, even though the policy was obtained by fraud, concealment, or misrepresentation. This is not to say that insurance fraud must be rewarded, but that insurers who recklessly and indiscriminately solicit and obtain business must be penalized, for such recklessness and lack of discrimination ultimately work to the detriment of bona fide takers of insurance and the public in general.”


Sa kalagayan ng iyong kapatid, siya ay pumanaw tatlong taon makalipas na makuha niya ang kanyang life insurance, dahil dito ang tinatawag na incontestability period ay ganap ng epektibo kung saan hindi na maaaring gamitin ng insurer ang kadahilanan na fraudulent concealment o misrepresentation upang umiwas sa pagbabayad sa isang polisiya. Gaya ng sa iyong kapatid na sinasabi na hindi nito inihayag na may matagal na siyang karamdaman sa puso, hindi ito sapat na basehan upang hindi tugunan ng insurer ang kanilang pananagutan na magbayad.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page