Ang epekto ng affidavit of desistance sa kaso
- BULGAR

- Mar 15, 2021
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | March 15, 2021
Dear Chief Acosta,
Nagkaroon kami ng pagtatalo ng aking kapitbahay at dahil dito ay pisikal niya akong sinaktan. Napagdusahan na niya ito sa kulungan. Mula noon ay nagkaayos na kami matapos niya ring humingi ng paumanhin kaya napatawad ko na siya. Gusto kong ipakita sa affidavit of desistance ang pagpapatawad na ito upang maabsuwelto na rin siya sa kaso. Kaagad ba itong mangyayari kapag naisumite sa korte ang nasabing affidavit? – Marco
Dear Marco,
Hindi nangangahulugang kapag kayo ay naghain ng affidavit of desistance ay agad mapawawalang-sala ang inyong kapitbahay. Tinalakay ito ng Korte Suprema sa kasong Carlose Jay Adlawan vs. People of the Philippines (G.R. No. 197645, April 4, 2018), na isinulat ni Honorable former Associate Justice Samuel R. Martires. Ipinaliwanag sa nasabing kaso na:
“Mere retraction by a witness or by complainant of his or her testimony does not necessarily vitiate the original testimony or statement, if credible. The general rule is that courts look with disfavor upon retractions of testimonies previously given in court.
It is only where there exist special circumstances which, when coupled with the desistance or retraction raise doubts as to the truth of the testimony or statement given, can a retraction be considered and upheld.
xxx an affidavit of desistance is merely an additional ground to buttress the accused’s defenses, not the sole consideration that can result in acquittal. xxx
xxx an affidavit of desistance made by a witness, including the private complainant, after conviction of the accused is not reliable, and deserves only scant attention. The rationale for the rule is obvious: affidavits of retraction can easily be secured from witnesses, usually through intimidation or for a monetary consideration.”Sa madaling salita, bukod sa inyong affidavit of desistance, dapat mayroong ibang katangi-tanging pangyayari na makapagbibigay-duda sa naunang pahayag o salaysay ninyo ng mga naganap. Gayunman, kung ang nabanggit na affidavit ay isusumite pagkatapos na mapatunayan ang krimen, hindi na ito gaanong pagtutuunan ng pansin ng korte. Ito ay dahil madali lamang maimpluwensiyahan o matakot ang witness sa pagbibigay ng nasabing affidavit.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.




Comments