top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ang dami raw trabaho ng mga nurse, umarte pa… HIRIT NG NETIZEN: GRETCHEN, PABEBE SA PAGPAPABAKUNA

  • BULGAR
  • Apr 20, 2021
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 20, 2021




Nagpa-inject na si Gretchen Barretto ng COVID-19 vaccine. Ang nakakatawa, nu'ng tuturukan na siya, aba, halatang takot na takot si La Greta!


Kitang-kita sa nag-viral na larawan at video na ang higpit ng kanyang pagkakayakap sa braso ng nag-a-assist sa kanya habang nakapikit siyang tinuturukan.


Nanginginig sa takot si La Greta, pero itinuloy pa rin niya ang pagpapabakuna para na rin sa kanyang kaligtasan.


Sinabihan ng netizen na ‘maarte’ raw ang partner ni Tonyboy Cojuangco.


Sagot naman ng isang netizen, “Hindi arte 'yun… may ganyan talaga na sa ibang bagay, matapang or taklesa or etc. etc., pero pagdating na sa vaccination, nagpi-freak out or nate-tense, napapamura or naduduwag."

True naman ang komento ng mga netizens. Sadyang may mga taong takot na mainiksiyunan, pero matapang sila sa ibang bagay.


“Kadami-daming trabaho ng mga nurses, nagpapabebe pa siya,” sabi naman ng isa na naasar kay La Greta.


“Kahit sino ang dumadaan sa karayom, lumalabas ang pagiging ordinary mong pagkatao. I’m not surprised sa naging reaction ni GRETCHEN. Mapapamura ka talaga sa takot at kabiglaanan at normal lang 'yan. Hypocrite ka na lang kung mapapangiti ka pa habang tinuturukan, 'noh!”


May nagsasabi namang, “Nauna na nga yata sa linya, mukhang home service pa. Ano bang comorbidity ni Gretchen?”


Uhmmm… Ang alam namin, senior citizens at may mga comorbidities ang priority sa listahan ng babakunahan. Saan kayang category pasok si La Greta?



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page