ANDREA, 'DI TAKOT SA FANS NINA KATHRYN AT DANIEL
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 14, 2023

Hindi takot si Andrea Brillantes sa mga KathNiel fans na namba-bash ngayon sa kanya dahil sa pagkaka-link niya kay Daniel Padilla. Wala naman kasing sightings na magkasama sila ni Daniel at wala ring inamin ang aktor.
At tiyak na hindi papayag ang KathNiel fans na umeksena si Andrea sa buhay nina Kathryn at Daniel. Tututulan ito ng mga loyal at diehard KathNiel fans.
Well, napakakontrobersiyal naman kasi nitong si Andrea Brillantes. Wala siyang preno sa pag-amin kung sinu-sino ang type niyang young actors ngayon. Inaakusahan tuloy siyang “flirt” at mang-aagaw ng boyfriend. Marami ang humuhusga sa kanyang negative image.
Pero, marami rin ang humahanga sa pagiging totoo ni Andrea sa kanyang sarili at dedma lang siya sa mga lumalait sa kanya sa social media.





Comments