ANDREA, ‘DI MALAPITAN SA DAMI NG BODYGUARDS
ni Nitz Miralles @Bida | December 8, 2023

Nasa TV5 compound si Andrea Brillantes noong Wednesday. Nakita siya ng press na papunta naman sa studio kung saan gaganapin ang mediacon ng TVJ at ng Legit Dabarkads ng E.A.T.!
Hindi muna pinapasok ang press, inuna munang palabasin si Andrea hindi dahil ayaw siyang ipakiusap, kundi dahil masikip sa hallway.
Saka, wala rin namang makakapag-ambush interview kay Andrea that time dahil ang dami niyang kasama at bukod sa mga kasama, may mga bodyguards din siya.
Sa liit ni Andrea at sa lalaki ng katawan ng mga bodyguards at tinakpan pa ang ulo niya, wala nang nakita sa kanya.
Sa ngayon, kahit hindi ma-interview si Andrea, ang dami pa ring lumalabas na tsika sa kanya.
Hindi nga lang kagandahan ang mga balitang lumalabas at may mga naaawa na sa kanya. Kailan daw ba ito magsasalita para ipagtanggol ang sarili sa akusasyong third party siya sa hiwalayan ng KathNiel?
Pati nga mom nito, nasasali na sa isyu at ang dami nitong bashers at ang mga comments ni Belle Brillantes ay binibigyan ng ibang meaning.
Pati nga ang pagiging scuba diver nito, iniisyu sa kanya.





Comments