Andrea, bagong babae raw ni Daniel, Kathryn… RICCI: TIME IS THE ULTIMATE TRUTH TELLER
- BULGAR
- Dec 4, 2023
- 3 min read
Updated: Dec 9, 2023
ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 4, 2023

Nakakalokah talaga ang tambalang KathNiel, mapa-TV, movie at totoong buhay, sinusubaybayan at tinututukan ng madlang pipol ang love story nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. At hayan nga, kahit ang hiwalayan nila, parang teleseryeng inaabangan ng mga Marites.
Kaya naman mula nu'ng umamin silang hiwalay na nu'ng Huwebes hanggang ngayon, araw-araw ay may bagong anggulong lumalabas tungkol sa kontrobersiyal na hiwalayan at may mga bagong 'cast' na nadaragdag-sumasawsaw sa istorya.
Kung nu'ng una ay si Andrea Brillantes lang ang itinuturong third party, lumutang din at nadawit ang pangalan ng young Kapamilya actress na si Gillian Vicencio, at 'di nga ba't may kumalat pa sa social media na diumano'y ipinagkalat nitong 'dyutay' si Deej?
But the good thing is maagap at mabilis na idinenay ni Gillian ang pagkakaugnay kay Daniel at tuwiran niyang sinabing wala silang relasyon ng aktor na close rin naman sa kanya at minsan na ring nagsabing nasa puso siya ni Deej sa isang past interview ng aktor.
So, heto na, matapos ang pagdawit sa mga itinuturo ngang third party, pumasok na rin sa eksena ang mga 'ika nga sa teleserye ay 'supporting stars' tulad ni Sofia Andres, na dahil BFF ni Kathryn, binigyan ng kahulugan ng mga netizens ang kanyang 'diamond emoji' post sa pintuan ng bahay, na ini-relate nga kay Andrea Brillantes.
At habang nalinis na nga ni Gillian ang kanyang pangalan sa tuwirang pagsasabi na hindi siya ang third party sa hiwalayan, heto't lalo namang nababaon si Andrea dahil patuloy itong nananahimik at tila ine-enjoy ang 'free publicity' niya kaya topic siya saanmang sulok ng 'Pinas ngayon.
Pero ang tanong, patuloy pa rin kayang mananahimik si Andrea sa pagkakadawit niya sa hiwalayan ng KathNiel ngayong may binitawang pahayag ang kanyang ex-boyfriend na si Ricci Rivero na ginaya ang pasabog na one-liner noon ni Bea Alonzo na: "Time is the ultimate truth teller"?
Oh, devah! Tila Strike 2 na ito sa naunang pahayag ni Ricci na sa kanya ang "last laugh"?
'Kalokah talaga! Mukhang magiging mabenta ang washing machine ngayong Kapaskuhan sa dami ng isyung "washing dirty linen in public".

Basta ang newbie singer na Ateneo graduate at take note, cum laude lang naman na si Jeri (Jericho Violago in real life) ay puro good karma ang inaani ngayon at just last week, ini-launch na nga ang kanyang debut single titled Gusto Kita na mula sa ABS-CBN's Tarsier Records.
Napanood namin ang music video ng Gusto Kita kung saan kasama ni Jeri ang It's Showtime co-host na si Jackie Gonzaga at in fairness, may kilig naman ang mga sweet moments ng dalawa.
Tinanong nga namin si Jeri after ng mediacon kung 'di ba siya na-fall kay Jackie habang ginagawa nila ang music video ng Gusto Kita at natatawang sagot nito, nagbiro nga raw sa kanya ang It's Showtime co-host na "Uy, 'wag kang mahulog sa akin, ha?"
Pero dahil career ang focus ngayon ni Jeri na desididong sumikat bilang singer at hopefully bilang actor din since young Matteo Guidicelli nga ang tingin sa kanya ng lahat, ayaw daw muna niyang mag-love life.
Inamin niyang break na sila ng kanyang non-showbiz girlfriend, pero itinanggi naman niyang dahil mas pinili niya ang kanyang career kaya sila naghiwalay. In good terms naman daw sila ng girl.
At the age of 23, aminado si Jeri na hindi siya mabilis ma-fall sa isang babae dahil importante sa kanya 'yung makilala muna ito nang husto tulad din ng kanyang character sa music video ng Gusto Kita.
At siyempre, kailangan daw ng approval ng kanyang pamilya kung magkakaroon man siya ng susunod na girlfriend.
Sobrang supportive ang family ni Jeri sa kanyang singing career, lalo na ang kanyang mommy na ang ganda ng PR sa press pero hindi naman stagemom ang datingan, in fairness.
Kaya naman we hope na matupad ni Jeri ang kanyang dream na sumikat as singer lalo't may 'K' naman siya at pasado rin sa amin ang Gusto Kita na isinulat ng magaling na composer na si Vehnee Saturno.
Anyway, Gusto Kita is currently being used as bed music in a popular segment on It's Showtime.





Comments