top of page

ANDREA, AMINADONG MARAMING TOXIC NA UGALI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 23, 2023
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | November 23, 2023



Itinuturing ni Andrea Brillantes na ang 2023 ang pinakamalas na taon niya sa pag-ibig pero pinakamasuwerte naman daw pagdating sa pagmamahal ng mga kaibigan, fans at mga katrabaho.


Sa interview ni Luis Manzano kay Andrea para sa vlog nito ay natanong ng TV host ang aktres kung ano ang highlight ng kanyang 2023.


“To be honest, ‘yung heartbreak ko,” sabi ni Andrea.


“Honestly, tinitingnan ko ‘tong 2023 as pinakamalas ko sa pag-ibig. In terms of romantically.


Pero pinakasuwerte ko rin sa pag-ibig sa fans, sa friends, sa co-stars ko, sa casual viewers ko, sa management ko.


“Oo, as in, ito po talaga ang pinakamalas ko sa pag-ibig romantically pero grabe naman ‘yung balik ng love sa akin sa life itself.


“Sa pagta-travel ko, sa brand ko sa make-up ko sa Lucky Beauty, sa fans ko, sobrang grabe naman ‘yung sukli,” pahayag ng aktres.


Matatandaang noong nakaraang Mayo ay nag-break si Andrea at ang basketbolistang si Ricci Rivero.


Natanong din ni Lucky si Andrea kung ano ang hinahanap niyang qualities sa isang lalaki kung sakaling magmamahal siya ulit.


Sagot ni Andrea, “Loyal, maalaga, gentleman, marespeto, totoong lalaki. ‘Yun na lang hinihiling ko.”


Paliwanag niya, “Kasi, a real man, I believe, they know how to settle, alam nila kung paano makuntento sa isa at isa lang talaga. Gusto ko ng one-woman man.”


Dagdag pa niya, “Ang totoong lalaki, for me, hindi ‘yan nagsisinungaling talaga. Alam niya kung paano aminin ‘yung katotohanan nang buong-buo. Hindi ‘yung ang dami pang pasikut-sikot na oo, aamin, pero hindi lahat.


“Kumbaga, I don’t want a boy, I want a man. That’s what I need. I need a man. Sobrang hectic na ng buhay ko. Kailangan ko ng tunay na lalaki. Saka, hindi ko kailangan ng insecure.”


Bagama’t malas siya sa pag-ibig ngayong 2023, marami naman daw siyang natutunan.


“For me, it’s (2023) the year of growth and learning from my mistakes and pagbabawi, and for me, parang repaying karma, parang ganu’n. Kasi ang daming good karma sa 2023 ko, ang dami ring bad karma.


“I’ve also been very vocal naman na ang dami kong toxic traits before na ngayon, inaayos ko na and tinatanggal ko na,” aniya.


“I’m trying to be a better person everyday as long as God lets me,” sey pa ni Blythe.



Komentar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page