top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

ANDREA, 4 YRS. OLD PA LANG, CRUSH NA SI PAUL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 24, 2023
  • 1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 24, 2023



First showbiz crush pala ni Andrea Brillantes si Paul Salas. At ito ay noong 4 years old pa lang siya.


Ini-reveal ito ng aktres sa latest vlog ni Ivana Alawi kung saan ay nagpa-Q&A sila habang nagmu-mukbang.


Natanong kasi sa dalawa kung sino ang kanilang first showbiz crush at si Paul nga ang isinagot ni Andrea.


Sabi naman ni Ivana, “Uy, ka-management ko siya.” Paul and Ivana are both under PPL Entertainment, Inc..


Tsika ni Blythe (real name ni Andrea), nag-audition siya that time sa Marimar nina Marian Rivera and Dingdong Dantes, pero hindi raw siya nakuha.


“Pero napansin po ako ni Sir Dingdong, kinuha niya ako sa parang wedding ng kapatid niya or whatever, tapos, nakasama ko du’n si Paul Salas. Four, five years old lang yata ako nu’n, tapos, talagang crush na crush ko siya,” kuwento ni Andrea.


“Bet ko talaga si Paul Salas. Crush na crush ko siya nu’n,” dagdag niya.


Pero ngayon daw ay hindi na niya crush ang aktor.


Natatawang sabi ni Ivana, “Sorry, Paul, nu’ng 4 years old lang.”


Sa ngayon ay single si Andrea matapos ang breakup niya kay Ricci Rivero. Wala raw siyang balak pang magmahal ulit.


“Hindi na ako magdyodyowa. Matagal, matagal ako bago magdyowa,” aniya.


Sey pa ng dalaga, e-enjoy-in daw muna niya ngayon ang kanyang youth.


Payo niya pa sa younger sister ni Ivana na si Mona Alawi na kasama rin nila sa vlog, “I-enjoy lang natin, ‘di ba, Mona? ‘Wag natin sayangin sa mga boys na hindi naman tayo deserved, ‘di deserved ‘yung time natin.”


Agree naman ang 19 yrs. old na si Mona.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page