top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

ANDI, MAY TOPAK, TUMANGGING MAGPA-SELFIE SA MGA FANS

BULGAR
Apr 6, 2021
1 min read

Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | April 6, 2021




Naba-bash ngayon si Andi Eigenmann ng ilang fans na diumano'y tinanggihan niyang maka-selfie nang magtungo ang mga ito sa Siargao.


Dalawang beses daw na ginawa ni Andi ang pagtanggi sa mga fans kaya sumama ang loob ng mga ito sa anak ni Jaclyn Jose.


Dismayado ang mga fans sa inasal ni Andi. Akala raw nila ay mabait ito at down-to-earth tulad ng nakikita nila sa mga vlogs na napapanood nila sa YouTube.


Well, may paliwanag si Andi tungkol sa kanyang pagtanggi na magpa-selfie sa mga fans. Hindi raw niya inaasahan na hanggang sa kanilang bahay ay pupunta ang mga ito. Hindi naman kasi tourist spot na bahagi ng Siargao ang kanilang bahay kaya ini-expect niya na irerespeto naman ang privacy ng kanilang tahanan.


Aminado si Andi na tao lang din siya na minsan ay wala sa mood, lalo na't nagdaraan siya sa post-partum at wala sa kondisyon upang humarap sa mga tao.


Umaasa si Andi na maiintindihan siya ng mga fans. Hindi niya gusto ang magsungit at mang-isnab. Natiyempuhan lang ng mga fans na wala siya sa tamang kondisyon.


At sana, unawain din ng mga tagahanga na tao lang din ang mga artista na napapagod. Hindi sila robot na de-baterya. 'Wag namang maging demanding at balat-sibuyas ang mga fans.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page