top of page
Search
  • BULGAR

Anak, sinundo sa bahay ng bagong BF ni Ellen… JOHN LLOYD AT DEREK, NAGHARAP NA

Julie Bonifacio - @Winner | April 20, 2021




Nagkita at nakapag-usap na sina John Lloyd Cruz at Derek Ramsay. Naganap ang face-to-face nila sa bahay ni Derek nu’ng sunduin ni Lloydie ang anak na si Elias.


Si Elias ay anak ni John Lloyd kay Ellen Adarna na fianceè ni Derek.


Ibinulgar ni Derek na nakatira na sa bahay niya ang mag-inang Ellen at Elias sa panayam ng radio host na si Morly Alinio sa kanyang programa sa DZRH last Sunday.


Bukod kina Ellen at Elias, kasama rin sa bahay ni Derek ang kanyang anak na si Austin Ramsay.

One happy family na raw sila sa multi-million pesos na balur ni Derek.


Pero ang rason ni Derek kaya raw sa bahay na niya nakatira si Ellen ay dahil dapat daw kasi, mag-uumpisa na ulit mag-taping ang kanyang fianceè ng sitcom nito with John Estrada. Pero dahil wala pang taping ang sitcom nina Ellen and John, namalagi muna siya sa bahay ni Derek hanggang sa matuloy ulit ang taping ng nanay ni Elias.


Walang nakikitang problema si Derek sa pagsama ni Ellen sa anak nila ni John Lloyd sa bahay ng kanyang fiancè. Maayos daw ang usapan nina Ellen at John Lloyd pagdating sa custody ni Elias. May nakatakdang araw (o mga araw) si Elias para kay John Lloyd.


Kaya 'pag oras na ni John Lloyd for Elias, sinusundo niya ang anak.


And this time, sa bahay na ni Derek sinusundo ni John Lloyd ang bata.


“Very active” ang ginamit na term ni Derek sa pagiging visible ni John Lloyd when it’s time for him to be with Elias.


Sinusundo at si John Lloyd din daw minsan ang naghahatid kay Elias sa bahay ni Derek.


Dahil d’yan, nagkaroon ng chance na magharap sina John Lloyd at Derek. Kaya, wala raw silang problema ni John Lloyd, ayon pa kay Derek.


In fact, binati pa raw siya ni John Lloyd sa engagement nila ni Ellen.

Sa mga nagdududa na pakakasalan ni Derek si Ellen, well, sinabi ni Derek sa interbyu na kumuha na sila ng application for marriage license.


Hopefully, tuloy na tuloy na talaga sa sakalan, este kasalan ang relasyong Derek at Ellen.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page