top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Anak pa raw nila ang nagsumbong… WILLIAM, IBINULGAR NA MAY KA-CHAT SI YAYO ABROAD KAYA INIWAN SIYA

BULGAR
Jun 30, 2021
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 30, 2021




Napanood ng inyong lingkod ang Tic Talk interview ni Ma'm Aster Amoyo kay William Martinez.


Maganda at kapana-panabik ang panayam ni Tita A sa komedyanteng aktor na mas kilala noong '80s-'90s na si Kulit, ang kalabtim ni Maricel Soriano.

Maraming rebelasyon si William.


Noon, ang akala namin, siya ang nakipaghiwalay sa kanyang misis na si Yayo Aguila. Kaya nagulat kami nang si Yayo pala ang nang-iwan sa kanila.


Kuwento ni William, nakakapag-travel daw mag-isa si Yayo noon. Anak pa raw niya mismo ang nagsabi na nakikipag-chat sa iba ang kanilang ina.


Hindi raw pinapansin ni William ang sumbong ng anak dahil maraming friends at family si Yayo sa ibang bansa. Hanggang sa hiniwalayan na raw siya ni Yayo.


"Ang sa akin kasi, once na pinakasalan ko na ang isang babae, 'yun na 'yun. Mahal ko 'yun," paglalahad ni William.


Tinagurian daw siyang pabling pero sa tunay na buhay ay hindi raw.


Natanong din si William kung naging sila ni Maricel Soriano.


Sagot ni William, hindi.


"Naging mag-MU lang kami, hanggang doon lang 'yun."


Sabagay, totoo ang tinuran ni William, dahil napanood din namin ang interbyu ni Direk Wenn Deramas (RIP) noon kay Maricel sa programa nitong Persona at sa tanong kung nagkaroon sila ng relasyon ni William, ang sagot ni Marya, "Hindi... hindi naging kami... MU lang, ganu'n."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page