top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

ANAK NINA LUIS AT JESSY, 9 MOS. OLD PA LANG, ENDORSER NA!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 1, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 01, 2023


Masayang-masaya ang Star for All Seasons na si Vilma Santos dahil ang kanyang apo na si Isabella Rose ay isa nang endorser.


Dahil sa sobrang cuteness ni Baby Peanut ay kinuha na itong endorser ng baby products.


Magkasama sila ng kanyang mom na si Jessy Mendiola sa photo shoot para sa nasabing endorsement.


Nine months old pa lang si Baby Peanut pero mukhang marami na ang nagkakainteres upang kunin siyang endorser ng iba't ibang produkto.


Sobrang proud parents naman sina Jessy Mendiola at Luis Manzano.


Samantala, ang 1-year-old daughter naman ni Angelica Panganiban na si Baby Amila Sabine a.k.a.


Baby Bean ay kinuha ring endorser ng isang brand ng diaper. Magkasama rin silang mag-ina sa photo shoot ng produkto.


Tiyak na aabangan din ng mga netizens kung kailan naman kukuning endorser ang cute na anak ni Iza Calzado at ni Winwyn Marquez, ganoon din ang anak nina Toni Gonzaga, Kris Bernal at Jennylyn Mercado.


Bentahe na anak ng mga sikat na celebrities ang kinukuha ngayon na product endorser.


Pamilyar na sa kanila ang publiko dahil madalas ay naka-post sila sa social media.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page