Search
  • BULGAR

Anak ni Sharon, wala raw respeto… FRANKIE, MOST HATED NG MGA TAGA-DAVAO

Julie Bonifacio - @Winner | April 7, 2021




Dismayado si Megastar Sharon Cuneta sa kasalukuyang lagay ng bansa, mula sa napakataas na COVID cases hanggang sa mga corrupt na government officials.


Hindi na napigilan ni Sharon na ilabas ang kanyang pagkadismaya at ipinost niya ang nararamdaman sa kanyang social media account kahapon.


Nagulantang si Mega sa isang data graphic kung saan lumabas na ang 'Pinas ang may pinakamaraming COVID cases compared to Bangladesh, Indonesia, Sri Lanka, Cambodia at Myanmar.


Caption ni Sharon, "Ano na baaaaaaaaaaaa???!!!!!! NUMBER 1 tayo!!! Pero sa 'di magaling!"

Dagdag pa niya, "Praying for us all - especially for our exhausted frontliners, the poor and hungry, the jobless, the sick, families of those who have lost their loved ones. Also for those na matitigas ang ulo at ayaw sumunod sa rules, ilang opisyal na inuuna sariling bulsa kesa sa taongbayan. God bless and have mercy on the Philippines."


As expected, "kinuyog" ng mga supporters ni Pres. Rodrigo Duterte o mas kilala bilang mga DDS ang comment and reply section ng IG post ni Sharon.


May isang netizen ang sarkastikong nag-post ng ganitong comment, "Suggest ka po..."


Hindi naman ito pinalampas ni Sharon at nag-reply ng… "'Di ko trabaho 'yun kaya nga may mga in-elect na opisyal. Kung opisyal ako, uunahin ko at gagawin ko lahat para umpisa pa lang, nagka-contact tracing na, nag-supply ako ng masks at PPEs at namudmod ako ng pagkain/ayuda sa taongbayan. At higit sa lahat, itatabi ko ang pamumulitika para nauna sana tayong nagka-vaccines sa Bangladesh at Myanmar! Jusko!"


Inayunan naman si Sharon ng ibang netizens.


"I agree with Ate Sharon!" sey ng isa.


May isa pang netizen na may account name na @pilipinaskongmahal8 ang nag-post ng comment asking Sharon kung para kanino ang tanong niya ng "Ano ba?" at sinagot ito ni Mega ng "Who would YOU ask?!"


Oo nga naman, ano ba'ng masama sa pagtatanong?


May isang netizen naman ang nag-react sa sinabi ni Sharon.


Comment ni life_colours2021, "@reallysharoncuneta re contact tracing po, that’s very hard to do given na wala nga tayong National ID system. One of those opposing is your husband, plus the reds, kasi nga that “privacy thing”.


"I lived in Singapore for 10 years and the distribution of ayuda and whatever control imposed by the government is easier because of the ID System. Now that PRRD approved the ID System, it became too late when the pandemic started last year. It could have been done by your favourite presidents before who greeted you on your birthday every year.


"Ngayon, celebrities seem to become irrelevant to the society dahil naging involved na lahat sa politics. 2022 po Ma’am, invite and encourage all your fellow celebrities to run for politics kasi kayo po lahat ang mga pinakamagaling magpatakbo ng bansa. Easier said than done."


Ang siste, pati ang nananahimik na anak nina Mega at Sen. Francis Pangilinan na si Frankie ay idinamay ng netizen na obyus na DDS.


Dagdag nito, "I remember you keep saying to the new and young stars to always respect the older ones including you, but your daughter? @frankiepangilinan does she even know how to respect, sorry but she’s the most hated especially here in Davao."


Awww! 'Di na sumagot si Sharon pero ipinagtanggol naman siya ng kanyang mga followers.





0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.