P3.49 M KADA TAON, TUITION NG ANAK NI PACQUIAO NA SI QUEENIE SA USA
- BULGAR

- 7 hours ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 19, 2026

Photo: IG _jinkeepacquiao
Ang laki pala ng magagastos ni Queenie Pacquiao sa kanyang pag-aaral ng kolehiyo sa USA. Nag-enroll siya sa Loyola University Chicago sa kursong Forensic Science. Inihatid si Queenie ng kanyang parents na sina Manny at Jinkee Pacquiao.
Base sa isang report, aabot ng P3.49 million ang tuition fee ni Queenie sa isang taon. Bukod pa rito ang gastos niya sa boarding house, food at allowance.
Tinulungan din si Queenie ng kanyang parents na mag-ayos ng kanyang mga gamit sa boarding house na kanyang titirhan.
Masuwerte ang mga anak nina Pacman at Jinkee dahil nakakapag-aral sila sa mga sikat na kolehiyo abroad.
Ang isa pang anak na babae ng mag-asawa na si Princess ay nag-aaral naman sa London at kumukuha ng kursong Biomedical Sciences.
Well, billionaire naman ang boxing champion na si Manny Pacquiao, kaya niyang gastusan ang pag-aaral ng mga anak abroad.
Nawalan man ng Daniel na BF…
KATHRYN, TODO-IPON AT NAG-INVEST SA NEGOSYO KAYA SUPER RICH NA
NANG maghiwalay sila ni Daniel Padilla, ibinuhos ni Kathryn Bernardo ang panahon niya sa kanyang career, kaya mabilis siyang naka-move on. Naging prayoridad niya ang kanyang trabaho at ang pagpupundar ng mga properties.
May dalawa na siyang commercial buildings, may resort sa Batangas, at may bagong negosyo (franchised) na inaasikaso na rin niya. May resthouse rin siya sa Siquijor, at ang Isla Amara naman ay nasa El Nido, Palawan.
Sa negosyo at pag-iipon ang priority ngayon ni Kathryn. Natuto na siya ng tamang paghawak ng kanyang finances at maayos niya itong na-invest kaya maaga siyang naging milyonarya.
Hindi lang sa luho at shopping niya inuubos ang kanyang kinikita sa showbiz. Wise spender si Kathryn at pinaghahandaan niya ang kanyang future. Ibang level na ang kanyang maturity.
Well, may influence kaya rito ang rumored BF niyang si Lucena Mayor Mark Alcala?
AMINADO si Tirso Cruz III na noong una ay marami ang hindi bilib na magaling siyang aktor. Hindi siya sineseryoso ng mga direktor, at maging ng kanyang mga kasamahang artista.
Pero nang tanggapin niya ang pelikulang Bilangin ang Bituin sa Langit (BABSL) na pinagbidahan nila ni Nora Aunor, nagbago ang lahat.
Nanalo siyang Best Actor at napansin ang kanyang kakayahan bilang magaling na aktor.
Dalawa ang naging characters ni Tirso sa movie, kaya naging hamon ito sa kanya.
Ang pelikulang BABSL ay kasama sa aklat na Sine. Film. Pelikula: The 100+ Greatest Movies of Philippine Cinema kaya super-proud si Tirso sa pelikulang ito. Kumita rin ito noon nang malaki sa takilya.





Comments