top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Anak ni Pacman, may lisensiya na… JIMUEL, BOKSINGERO NA RIN

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 24, 2021
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 24, 2021




Hindi nga siguro feel ng anak ng 8-world division boxing champion na si Manny Pacquiao na si Jimuel ang pag-aartista kahit pumirma na siya ng kontrata sa Star Magic.


Nakakuha na kasi ng license sa boxing si Jimuel sa Amerika.


Ayon sa news, nagte-training na umano ang anak ni Pacman sa Wild Card Gym sa Amerika para sa kanyang amateur fight bilang boksingero.


Kaya tanong ng mga netizens, "Papa'no na ang kanyang pag-aartista?"


"Eh, pa'no kung sa boxing siya magaling at hindi naman sa acting, singing, dancing, or hosting?


Ipilit pa rin ang pag-aartista dahil lang sa may hitsura?" ang tugon ng isang commenter.


"If this is really what he wants at dito talaga siya may skill, then push. Wishing for him great things for his boxing career. Kesa ipilit 'yung pag-aartista niya, eh, halata namang hindi niya linya 'yun."


"Never siyang nagpilit mag-artista, model-endorser lang siya."


"For sure, dual citizen mga anak ni Pacquiao. Eh, 'di ba, minsan na siyang na-award-an ng citizenship para ru'n na siya? Madali lang namang magka-investor's visa."


"Happy kaya ang parents niya or more like worried? Alam kasi natin na mahirap ang buhay ng boksingero. Jimuel could’ve easily chosen another career path, but sabi sa interviews, eto talaga ang gusto niyang gawin."


"True. 'Yung tatay niya, sobrang hirap nila noon kaya nag-boxing. Naging way din 'yung pagtatrabaho nang maaga kaya malakas siya. Pero ito, passion na siguro talaga, kaya lang, siyempre…"


Pinuri naman ng ibang nakakakilala ang anak nina Manny at Jinkee, "Mabait ito at mukhang promising. Good luck!"


May nagsasabi namang "Kamay-mayaman siya so probably for hobby only."


"Mala-Floyd Mayweather, Jr. and his father lang. Kung hindi niya mapapantayan o mahihigitan ang na-achieve ng tatay niya, it will be just a lifetime of second guessing his self worth. Imagine, maikumpara lagi sa tatay at 'yung expectation ng tao dahil anak siya ni Manny."


Ramdam naman siguro ni Manny na may kakayahan sa pagboboksing ang anak. Full-support siya kay Jimuel.


Well, kanino pa ba naman magmamana si Jimuel, siyempre sa ama.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page