top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Anak ni Bossing Vic, puring-puri pero... DINGDONG, WALANG BALAK GAYAHIN SI MAYOR VICO

BULGAR
Jun 13, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 13, 2021




Maganda ang performance record ni Pasig Mayor Vico Sotto bilang public servant. Maraming kabataan ang humahanga at umiidolo sa kanya ngayon dahil sa kanyang pagiging huwarang leader. Hindi siya ang traditional politician na nakasanayan ng mga botante.


Napakalaki ng pagbabagong ginawa ni Mayor Vico Sotto para sa lungsod ng Pasig. May malasakit siya sa kapaligiran at kalikasan.


Kaya naman, siya ang piniling maging special guest sa third anniversary special ng programang Amazing Earth hosted by Kapuso actor Dingdong Dantes.


Mismong si DD ay nasubaybayan sa social media ang mga aktibidades ni Mayor Vico. Puring-puri ni Dingdong ang kasipagan ng batang mayor ng Pasig. Nararamdaman ang kanyang sinseridad at dedication sa kanyang tungkulin. Humble at masang-masa si Mayor Vico.


At dahil napapansin ngayon ang hanay ng mga young and energetic politician na tulad nina Mayor Vico at Yorme Isko Moreno, may mga netizens na nagtatanong kung hindi ba naeengganyo si Dingdong na pasukin na rin ang political arena?


Noong 2018 ay maraming grupo ang kumukumbinse kay DD na kumandidatong senador o congressman. Pero, ayon na rin kay Dingdong, hindi pa siya handa noon para sumabak sa pulitika.


Sa kanyang career at pamilya siya nag-focus. At hindi pa rin niya nakikita ang kanyang sarili na isang pulitiko sa 2022 elections.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page