top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Anak, nahawa rin… CLAIRE, POSITIVE SA COVID, PUMANAW NA SA EDAD 62

  • BULGAR
  • Mar 30, 2021
  • 3 min read

Julie Bonifacio - @Winner | March 31, 2021




Unang lumabas kahapon nang umaga ang balitang pumanaw na ang Jukebox Queen at tinaguriang Karen Carpenter ng 'Pinas na si Claire dela Fuente dahil sa cardiac arrest sa edad na 62.


Pero ilang oras lang din ang nakaraan, naglabas ng pahayag ang anak ni Claire na si Gregorio "Gigo" de Guzman via Instagram na nagpositibo pala ang kanyang ina sa COVID-19. Nasa tent lang daw ito sa labas ng ospital at kahit pa positibo rin si Gigo sa nasabing virus ay hindi niya puwedeng samahan ang ina dahil asymptomatic lang siya.


And sad to say, dahil na rin daw sa anxiety sa kanyang sitwasyon kaya na-cardiac arrest si Claire. Agad namang nagpahatid ng mensahe ng pagkabigla at pagkalungkot ang mga kaibigan at kapwa mang-aawit ni Claire na sina Imelda Papin at Eva Eugenio.


Sa kanyang Facebook page, inilahad ni Imelda ang kanyang saloobin sa pagpanaw ni Claire.

"I am still in shock. I cannot believe that you passed away, too soon, Claire my dearest kumare," saad ni Imelda.


Dagdag pa niya, "Nakakalungkot at sobrang sakit na malaman na isa na namang haligi sa industriya ng musikang Pilipino ang sumakabilang buhay. Lalo na at isang tao na napakalapit, tunay at tapat kong kaibigan sa loob at labas ng showbiz."


Parang kailan lang daw ay nag-guest pa si Claire sa kanyang 45th showbiz anniversary concert sa Philippine Arena.


"Kailan lang, you were my guest during my 45th Showbiz Anniversary Concert at the Philippine Arena. 'Yun na pala ang last performance mo para sa aming lahat. I will miss you Mare."

Ayon pa kay Imelda, si Claire raw ang pinakamatapang sa kanilang tatlo ni Eva.


"Unexpected ito talaga. Siya pa na pinakamalakas ang loob sa aming tatlo, matapang at parang kayang-kaya niya lahat. And yet, siya pa ang tinamaan ng COVID. Hindi ko na alam kung ano ang ipinapakita ng Diyos dahil kahit sino, tatamaan ng COVID. Mabait siyang kaibigan, mami-miss ko siya -- sobra," sabi pa ni Imelda sa isang interbyu.


Ganito rin mismo ang naramdaman ni Eva sa ipinost niyang mensahe sa kanyang Facebook page.


“I will truly miss you, my dear friend. I will miss all our chikahan, laitan, tawanan at kantahan. Thank you for being a good friend, and a good godmother to my daughter. Rest in peace, kumare. Jukebox Queens will not be complete without you," caption ni Eva sa dalawang pictures nilang tatlo sa kanyang latest FB post.


Bukod sa mga kaibigang sina Imelda at Eva, ibinahagi rin ni Divine Diva ZsaZsa Padilla ang pagkalungkot sa pagpanaw ni Claire sa kanyamg Twitter account.


"So saddened to hear about your sudden passing, Claire. You were always good to me starting from when we met in Greenhills and used to hang in our condo building. R.I.P.," tweet ni Zsa Zsa.


Isa rin sa mga naunang posts na nabasa natin na nagpahatid ng pagkabigla at pagkalungkot sa pagkamatay ni Claire ay si Sen. Ramon "Bong" Revilla, Jr..


"Rest well, my dear friend Claire. I am at a loss for words and so surprised that you have gone so quickly and too soon.


"Salamat sa ating naging pagtutulungan sa nakalipas na mga panahon. Napakalaking bagay ng tulong mo sa akin noon sa VRB para sa isang holistic na programa laban sa pamimirata.


"I've always known you to be a strong, impassioned and kind person and many will attest to that. Your socio-civic efforts are recognized by many whose lives you have touched. Ang kontribusyon ng nag-iisang Claire dela Fuente sa larangan ng sining ay hindi matatawaran.


"May God embrace you and welcome you in heaven," mensahe ni Sen. Bong.


Ang amin pong pakikiramay sa pamilyang naiwan ni Claire.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page