Anak na si Robin, tatay na… MARTIN AT POPS, LOLO AT LOLA NA
ni Julie Bonifacio @Winner | August 28, 2023

Mixed emotion si Concert King Martin Nievera sa gender reveal ng first grandchild nila ni Concert Queen Pops Fernandez from their eldest son na si Robin Nievera.
Yes, Janz! Daddy na ang US-based artist na si Robin from his non-showbiz girlfriend.
Sa YouTube channel ni Pops ipinalabas ang recent “family bonding” nila ni Martin with their sons Robin and Ram Nievera sa Universal Studios sa US.
Nakasama rin nina Pops and her sons ang anak ni Martin sa ex-girlfriend niya na si Katrina Ojeda na si Santino sa Water Slide naman.
Sa naturang family bonding nina Pops and Martin nakasama ang pa-gender reveal ng first grandchild ng dating mag-asawa.
In short, certified lolo na si Martin at lola naman si Pops. But wait, ayaw patawag ni Pops ng lola. But instead, mas preferred ni Pipay ang “loli” na tawag kesa lola.
Why “loli?” Ayon kay Pipay, dahil daw sa “lollipop” since ang name niya ay Pops. Kaya ang tawag sa kanya ay “LoliPops,” ganern.
Parehong nalungkot sina Lolo Martin at LoliPops sa gender ng baby ni Robin. Gusto kasi nila ng baby girl for their first grandchild.
Sabi ni Martin, “We have so many boys (in the family).”
Pero nahimasmasan din agad si LoliPops. Okey na rin sa kanya ang boy, basta ang importante ay healthy ang baby.
Nagmistulang “towel boy” si Martin habang nag-e-enjoy sa slides ang kanyang “pamilya.”
Walang kaere-ere talaga si Martin. Kaya maraming netizens ang natuwa at nag-post ng kanilang mga komento sa vlog ni Pops.
True.





Comments