Anak na lang daw ang intindihin… NETIZEN KAY RITA: TIGILAN MO ANG KALANDIAN MO KAY KEN CHAN
ni Nitz Miralles @Bida | March 28, 2024

Ipinost ni Rita Daniela ang screenshot ng private message ng isa niyang basher na sa tono ng mensahe, nagseselos ito.
Inakusahan siyang nagpi-flirt kay Ken Chan na naging close kay Rita at tila nagkagustuhan pa silang dalawa.
Sabi ng basher, “Tantanan or tigil-tigilan mo na ang kalandian mo kay KEN CHAN!
ANAK MO ATUPAGIN MO AT HUWAG ANG BINATANG TAO. ‘DI KAYO BAGAY NI KEN.”
Sinagot ni Rita ang basher ng, “Taray. Paggising sa umaga, brave na siya agad. Naks!”
Kahit si Ken, hindi magugustuhan ang ginawa ng basher at ginamit pa siya para lang i-bash si Rita. Magkaibigan ang dalawa at maganda ang working relationship, sayang kung masisira lang dahil sa mga selosang fans.
Anyway, hindi naman yata naghahanap ng partner si Rita dahil focused ito sa kanyang career at anak na si Uno.
Ngayon, malaki na ang anak nito na ayon kay Rita, likes to dance at malamang mahilig ding kumanta.





Comments