top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Anak, kumalat na buntis… ALMA, IBINUKING NA READY NANG MAG-ASAWA SI WINWYN

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 7, 2021
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 07, 2021





Ang bilis ng sagot ni Alma Moreno nang matanong sa Mars Pa More kung sino sa kanyang dalawang anak na sina Vitto at Winwyn Marquez ang ready nang mag-asawa.


“Si Winwyn!” aniya.


Eh, timing naman na may kumakalat na espekulasyon na nasa interesting stage diumano si Winwyn ngayon.


Pero wala namang sinabi si Ness tungkol sa tsismis. Basta ang eksplanasyon niya ay bata pa kasi si Vitto while si Winwyn ay nasa tamang edad na kaya ito ang sagot niya.


“Kasi si Vitto, bata pa. Si Winwyn, nasa tamang edad na. Thirty na si Winwyn and ready na siya,” sabi ni Ness.


Nang tanungin ng host na si Camille Prats kung papunta na sa pag-aasawa si Winwyn, nasambit na lang ni Ness, "Basta!”


Makahulugan ang tawa ni Vitto na naroroon din kaya tila defensive na sabi ni Alma, "Secret nga, wala akong sinabi. Bakit ka tumawa?"


Well, sa ngayon ay wala pa namang denial or confirmation si Winwyn tungkol sa tsismis na preggy siya at inaantay din ng lahat ang kanyang statement.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page