Anak, kahit kinaliwa na ng mister... ROBIN, GUSTO PANG MAGKABALIKAN SINA KYLIE AT ALJUR
ni Nitz Miralles - @Bida | July 13, 2021

May mga nag-react sa payo ni Robin Padilla kay Aljur Abrenica na idinaan kay Kylie Padilla.
Sabi kasi ni Robin kay Kylie, dahil failure rin ang marriage nila ng mom ng anak na si Liezl Sicangco, “Pag-Muslim-in mo na lang si Aljur.”
Sinabi ito ni Robin sa second part ng interview sa kanya sa vlog ni Ogie Diaz na napapanood sa YouTube.
Mali raw ito dahil hindi rason ang babae, third party o para makapambabae para mag-Muslim.
Nagpapa-convert daw sa Muslim ang isang tao dahil naniniwala na “Walang Diyos maliban kay Allah.”
Pero, umaasa pa rin si Robin na magkakabalikan sina Kylie at Aljur, ‘wag lang patagalin at kailangang agad-agad.
Paano ‘yun, eh, aalis na si Kylie sa bahay nila ni Aljur at lilipat sa tinawag niyang “our new place”?
Isa pang advise ni Robin kay Kylie ay balikan ang Muay Thai at parang gagawin ito ng anak. May training area raw ang bahay na lilipatan nila ng kanyang mga anak at sabi kay Erwin Tagle na isang MMA fighter at stunt director, gusto niyang mag-training sa grupo nito, aayusin lang niya ang kanyang bahay.





Comments